CHAPTER 4: DAILY LIFE WITH AMI

107 40 183
                                    

Kamusta? Kamusta ang pagbabasa?

NOTICE: Long chapter ahead

Kahit anong gawin ko kasi ay talagang 4800 words ang buong chapter na 'to, sobrang lagpas na.

Pero dahil 'yon sa mga impormasyong konektado sa lahat ng mga susunod na mangyayari sa GUARDIANS kaya mariing pinapayo ng inyong lingkod na basahin nang mabuti ang chapter na ito.

Goumenasai minna-san..( ̄▽ ̄;) Maghahandog na lang ako sa inyo ng konting fanservice na makikita sa picture sa taas. Mga chibi nila Jacques at Amitage na bumabati sa atin.

Enjoy reading at stay hydrated~



[ Jacques Gruel - Point of View ]

"Tinakda, oras na upang bumangon."

Ano? Ang dilim-dilim pa ha? Habang nakapikit pa rin ay nagchange position ako para tumihaya.

"Five minutes...five lang Ami."

"Kahangalan. "

"ACKK!" Anak ng fudgebar, napabalikwas agad ako dahil sa sakit ng ginawa niyang pagtalon papunta sa'kin habang una ang tuhod sa paglanding sa tiyan ko!

Nakakaasar na! Napakasadistang-bata! Hindi ko na 'to kaya...palagi na lang! Ako naman ngayon ang manenermon!

"Ami!! Alam mo bang quarter to four pa lang ng umaga?!" ani ko habang pinapakita sa kanya ang oras sa nokia 3110 ko pero marahan lang na itinabi ni Amitage ang kamay ko at saka napamewang. Nakatayo na siya ngayon sa gilid ng kama ko.

"Sa tagal na atin itong ginagawa ay ngayon ka pa lamang maglalabas ng masamang saloobin? Nais ko lamang ipaalala sa iyo Tinakda na tayo ay nagsasanay." ngayon nakahalukipkip na ang mga braso niya at malamig na nakatitig sa'kin.

"Dapat natin pahabain ang iyong resistensya at pagyamanin ang iyong pisikal na katawan, ganoon din sa pag-gamit ng iyong kapanyarihan. Magagawa natin iyong lahat kung maaga kang magsisimula sa araw. Kaya naman, kahit kinakailangan ko pa maging mahigpit para hindi ka na bumalik sa iyong pagkakahimbing ay aking gagawin." pagpapatuloy pa ni Ami.

Awe~ Hindi ko kaya mainis. Ang cute niya! Sa kacutetan pa lang niya talong-talong na ako. Sige na nga! Tatayo na ako para magstretching.

Hay naku...

Isang buwan na rin ang lumilipas magmula ng maging Gatekeeper ako at maging Lost guardian ko si Ami. Masyado akong nahahabaan sa Amitage kaya pinaikli ko na pinayagan naman niya. Ganun na rin ang tagal naming nakatira rito sa bahay ni Sir Edward.

No'ng umuwi ako kasama si Amitage, bandang 7AM ay nadatnan ko si Sir Edward na naghihintay sa sala. Sobrang nag-aalala siya at muntik pa raw siyang magpasya na tumawag na sa pulis tapos nakita niya pa si Ami na buhat-buhat ko na kasalukuyang natutulog no'n.

Noong una, siyempre nabigla siya pero ikinuwento kong nakita kong nawawala si Ami at palaboy-laboy. Inumaga ako dahil sa buong gabing paghahanap kuno ko sa mga magulang niya pero hindi ko sila nahanap kaya napagdesisyunan kong iuwi na lang si Ami para hindi na mapahamak.

Nagpapasalamat akong naniwala naman agad si sir at natanggap niya si Ami. Siya pa nga ang nagfile ng missing report sa pulis...kahit sigurado akong walang maghahanap kay Ami.

Alam kong masamang magsinungaling pero isang sekreto ang pamumuhay ng mga tulad ni Ami sa normal na mga tao at hindi lang 'yon para sa kaligtasan ng mga gaya niya kun'di para rin sa mga tao.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now