CHAPTER 6: CHISMIS

73 36 88
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

"Ami papasok na ako..."

Tumigil sandali si Ami sa pagbabasa at liningon ako. "Mag-iingat ka. Hiling ko ang isang matiwasay na araw muli para sa iyo."  pagkatapos sabihin sa'kin 'yon nang may mababaw na ngiti ay bumalik na ulit siya sa pagbabasa.

Busy siya ngayon sa pag-aaral ng kung ano-ano rito sa library ni Sir Edward sa bahay. Wala ngang araw na wala siya rito eh. Medyo sanay na rin ako sa pagsasalita ni Ami kaya napagdesisyunan kong hayaan na lang.

Dalawang buwan na akong Gatekeeper at ganun na rin katagal ang duration ng pag-aaral niya. Para makatulong ako nang konti, minsan sinasamahan ko siya. Marunong na nga rin siyang gumamit ng computer at nag-gogoogle pa!

Pero dahil din sa araw-araw niyang pag-aaral dito sa Library ay minsan na lang din siya sumama sa'kin sa Agostino. Ang totoo, nasa punto na ako na hiling kong sana maambunan ako ni Ami ng kasipagan niya sa pag-aaral.

Hahah, biro lang...\( ̄▽ ̄;)...

Pero...parang hindi ko man lang naramdaman na two months na pala. Halos araw-araw pa rin ang training namin ni Ami kaso nga lang ay hindi rin tumitigil ang mga random na pag-atake ng ibang Gatekeepers sa'min. Minsan naiiwasan pero madalas hindi.

Iniisip ko na lang na okay na rin 'yon para magkaroon ako ng experience sa pakikipaglaban sa kapwa ko Gatekeeper kahit sa totoo lang nakakapagod.

Medyo naiintindihan na rin ni Ami kung bakit natatarget kami. Hindi 'yon konektado sa pagiging tinakda ko at sigurado 'yon. Sa tingin namin ni Ami ay dahil 'to sa "level"  ko dahil sinusukat "by level" ang pagiging Gatekeeper.

Simple lang naman intindihin, kapag mas mataas ang level ay mas malakas.

At ang paraan para mapaakyat ang level mo bilang Gatekeeper ay sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kapwa mo Gatekeeper.

Parang tulad sa isang videogame, na kapag mas nakakaipon ka ng experience ay mas nag-lelevel up ka. At gaya ulit sa isang videogame, kapag nagawa mong makatalo ng isang kalaban na mas malakas kaysa sayo ay mas mabilis ang level up na mangyayari sayo.

Saka ko lang naintindihan din na kaya naman pala mas mababa kaysa sa level ko ang mga Gatekeepers na umaatake sa'min ay dahil sa kadahilang 'yo— 'teka, sandali lang...ha!?

Nakapaglakad agad ako nang mabilis papunta sa tabi niya habang ramdam ang pandidilat ng mga mata ko. "A-Ami? Inubos mo bang basahin ang isang set ng encyclopedia na 'to?!"

Kaswal lang siyang lumingon sa'kin no'n at tumango. Grabe, anak ng fudgebar...maning-mani lang talaga sa kanya ang pag-aaral. Pagkatapos no'n ay hindi ko sinasadyang mapunta ang tingin ko sa makapal na libro na mukhang sunod niyang babasahin.

May title 'tong "A History of the World." Teka, sandali tatlong beses na niyang natapos ang librong 'yan ha. Ilang sigundo ko rin tinitigan 'yong libro bago ko ibaling ang titig ko sa kanya.

Ramdam ko ang frustration niya na maka-catch up sa panahon ngayon kaya hinahayaan ko na lang siya mag-aral nang mag-aral pero...ba't ganito ang nararamdaman ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ng dibdib ko.

"Jacques, tila yata meyroong kalungkutan sa iyong mga mata. Bakit?"

Ha!? Gano'n pala kahalata. Tsk, ano ka ba Jacques? 'Wag kang ganito sa harapan ni Ami!

"Ah ano..naiisip ko lang 'yong long test namin. Sana hindi maging masyadong mahirap. Sige, aalis na talaga ako. Magkita na lang tayo mamaya Ami!" ani ko sa normal kong masiglang tono.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now