CHAPTER 20.1: ISANG ALOK

17 12 0
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung paano mag-rereact! Literal akong natulala ng ilang sigundo bago ako nakaisip ng sasabihin.

"S-Salamat pero...sa tingin ko hindi na 'yon kailangan at sa tingin ko rin parang 'di tama. Nanghamon ako ng Gateduel sa inyo dati saka trinitrain naman din ako ni So-ji eh.."

Sinabi ko 'yon habang ginagawa ang buong makakaya ko para magtunog natural at hindi bastos pero dahil sa talas ng tingin ni Dinere sa'kin ay alam ko'ng hindi ko siya nakombinsi.

Bago siya magsalita ulit ay huminga muna si Dinere. No'ng ginawa niya 'yon ay medyo nabawasan ang talas ng tingin niya.

"Tungkol sa nangyari noon, kalimotan mo na iyon. Isipin mo na lang na parte lang iyon ng pagsubok ko sayo para makilatis ang pagkatao mo." 'yon ang sabi niya kaso lang...

"Pero~ Gusto ko pa rin makalaban ka. Kahit isang friendly-Gateduel lang, okay?"...ito naman ang sabi ni Janel. Sinabi pa niya 'yon habang tinatapik ng marahan ang balikat ko at halatang excited.

Nakakalito. Sinong seseryosohin ko sa kanilang dalawa??

"Alam ko'ng sinasanay ka ni So-ji pero mas may kakayahan ako na gabayan ka at gawin ka'ng malakas."

Bumalik ulit ang atensyon ko kay Dinere ng magpatuloy siya sa pagsasalita. Hindi na nakasiklop ang mga kamay niya at nakapatong na lang ng ang mga 'to sa lamesa. Itinaas niya ang kanang kamao niya no'n bago magsimulang magsalita.

"Hayaan mo akong ipaliwanag ang tatlong klase ng tao sa mundong ito."

May tatlong klase ng tao?!

"Ang Normals, ang  Naturals  at ang  Aberrants."

Sinabi niya 'yon ng paunti-onti habang sinasabay sa pagbubuka niya ng hinlalaki, hintuturo at gitnang-daliri niya. Pagkatapos gawin 'yon ay ibinaba na niya ang kamay niya at tinitigan ako ng mas seryoso.

"Uunahin ko ang mga Normals. Gaya ng pangalan nila, sila'y tinatawag na normal dahil normal at ordinaryo ang progreso nila ng pagiging Gatekeeper. Karamihan sa mga Normals ay inaabot ng dekada bago man lang umabot sa lebel na taglay mo Tinakda. Ganoon sila kaordinaryo.

Isang halimbawa ng mga Normal ay si Janel. Isa siyang Normal kaya kung ano man siya ngayon ay resulta iyon ng ilang taong pagiging masigasig niya kasama ng iba pa'ng mga bagay na kailangan niya malagpasan bilang aking Gatekeeper."

Ha?! Napalingon ako kay Janel pagkatapos marinig ang mga 'yon. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian niya muna ako bago inomin ang apple ice tea niya.

Nakakamangha siya. Hindi ko alam kung anong dapat ko'ng isipin para sa mga pinagdaanan niya pero ang alam ko, malaki ang paghanga ko sa kanya ngayon para makaya 'yong lahat at maging S-rank Gatekeeper.

"Ang ikalawa, ang Naturals. Sila ang klase ng mga tao na mabilis  ang progresso bilang mga Gatekeepers. Hindi sila inaabot ng ilang taon bago umakyat muli ang mga antas nila. Ang pinaka mabilis na paglelevel-up ng isang Natural na may halong pagpupurisige ay 10 buwan. Ang isang halimbawa nila ay si Dante Laurrell."

Si Dante?! Pero...kung aalahanin ko ng mabuti, makailang ulit na rin pala nabanggit ni So-ji dati na isang Natural  si Dante. Hindi ko na dapat 'to ikagulat.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now