CHAPTER 20: ISANG ALOK

36 15 28
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Totoo nga ang sinabi ni Ami na talagang naging mahaba ang gabi namin pero nagpapasalamat ako kasi ngayon, mas marami na akong alam.

Tinapos niya ang pagkwekwento no'n sa "may nagawa siyang kasalanan" na sa sobrang bigat, kinamuhian siya ni Dinere.

Habang nagkwekwento siya, ramdam ko ang pagiging makabayan niya.

Mahal na mahal niya ang lahat tungkol sa mundo nila pero dahil din do'n ay naramdaman ko rin ang lungkot niya ng mapunta na siya sa parte ng pagkwekwento sa pagsisimula ni Liberto ng digmaan.

Hindi na nga niya nasabi kung anong kasalanan niya kay Dinere kasi nagiging mabigat na para sa kanya pero ayos lang. Rinerespeto ko si Ami. Kung hindi pa siya handang ikwento ang parteng 'yon ay hindi na ako magpupumilit.

Nandito ako ngayon sa Coffee Break at isang oras na lang, off-duty na ako. Absent si Zain ngayon kaya mag-isa lang ako.

Hindi ko kasama si Ami ngayon kasi pinuntahan siya ni So-ji. Meron daw silang importanteng pag-uusapan na ikwekwento na lang daw niya pagkauwi ko mamaya. Ano kayang pag-uusapan nila?

Oi! Si Manager, nandito. Tumayo ako ng maayos dito sa counter ko bago bumati.

"Good evening Manager."

"Jacques, magsimula ka ng maghimos-himos. Wala naman ding customer na natitira, kaya maaga tayo magcloclosing."

Tama si Manager, 7:30PM pa lang pero wala ng customer...

"O sige po."

...mabuti na rin siguro 'to para maaga rin akong makauwi. Nagsimula na ako kumilos at naghimos.

Hay...nakakapanibago, sobrang tahimik.

Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na madaling matakot pero dahil mag-isa lang ako dito, nakakabingi ang katahimikan.

Kung titingin din ako sa labas ng coffee shop namin, mas lalong walang katao-tao! Kahit mga sasakyan na dumadaan, wala. Idagdag pa 'yong poste ng ilaw sa tapat na no'ng nakaraan pa patay-sindi.

Hindi ko 'yan pinapansin dati pero ngayon...parang hindi komportable sa pakiramdam. Dahan-dahan kumakabog ang dibdib ko.

Ano ba'ng nangyayari sa'kin? Bibilisan ko na nga lang ang pagkilos ko!

Pagkatapos ko gawin ang lahat at mag-double check ay pinuntahan ko na si Manager para makapag-closing na kami.

"Good work today Jacques. Dalhin mo ulit si Ami sa susunod okay?"

"Hahah, opo. Sige po."

Pagkatapos sabihin ni Manager 'yon ay sumakay na siya sa taxi niya. Saka lang din ako naglakad paalis no'ng medyo nakakalayo na sila.

Hindi naman gano'n kalayo ang terminal ng jeep na pupuntahan ko para makauwi pero...ba't ganito? Habang naglalakad ako kakaiba ang pakiramdam ko.

Nasobrahan lang ba ako sa fudgebar?

Ano ba talagang nangyayari sa'kin? Ang tagal ko ng naglalakad sa madilim na parteng 'to ng kalsada pero ngayon lang ako kinilabotan ng ganito.

Dama ko ang panlalamig ng mga paa't-kamay ko, idagdag pa ang malakas na pagtibok ng puso ko na tipong pakiramdam ko lalabas na 'to sa dibdib ko! Kahit hindi ko rin sinasadya ay kusa na lang akong napapabilis sa paglalakad. ; nakakalunod 'tong nararamdaman ko'ng kilabot sa lahat ng pandama ko!

Naging mabilis ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa dulo ng kalsada na medyo matao na at maliwanag dahil sa One Mall na nasa tapat lang. Ito na rin kasi ang mainroad. Mula sa kinatatayoan ko ay tatawid ka lang sa pedestrian lane at nasa tapat ka na ng mall.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now