CHAPTER 30: INTENSIVE TRAINNING

33 14 24
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

No'ng tinanggap ko na ang alok ni Dinere kagabi ay sinabi ko 'yon agad kay Ami. Napangiti siya nang mababaw at sinabing tama ang ginawa ko.

Kinabukasan ay sinabi ko rin kay Santi at Erika. Schedule ni Erika na bumisita sa Agostino kaya nasa opisina sila ni Santi. At gaya ng kay Ami ang naging reaksyon nila.

Sunod kong sinabihan si  Dante nang magkasama na kami sa classroom na sinabi niya naman kay So-ji. Hindi nga lang ako sigurado kung ayos lang kay Soji. Mukha siyang masaya rin pero ramdam kong naiinis siya na si Dinere na ang magtratraining sa'kin.

Matagal ko ng napapansin pero parang may matagal ng hidwaan sila Dinere at So-ji sa isa't-isa na parang medyo may kalaliman. Siguro tatanungin ko si Ami sa susunod tungkol do'n.

Sa ngayon, namomroblema ako. Ang sabi ni Dinere sa text ay susunduin niya ako ng 7:00PM pero narealize ko na hindi ko 'yon masyadong naiintindihan...( ̄▽ ̄;)...

Pa'no niya ako susunduin? Sa'n ako dapat maghintay? Hindi ko rin nasabi sa kanya kahapon na may klase ako ngayon na 5:00-6:00PM. Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong-hininga habang nakatitig sa screen ng Nokia 3310 ko. Dapat talaga nagtanong ako kay Dinere no'n...

"That's the 3rd-fucking-time na bumuntong-hininga ka. I swear on the fourth time...babatukan na kita gamit ng tungkod ko." pagbabanta ng bugnutin kong katabi.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan.." sagot ko pabalik kay Dante habang ibinabalik sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko.

Ngayon pa lang kami naglalakad palabas ng Agostino. Sumaglit kasi kami sa Greenhouse para tapusin ang ginawa namin do'n no'ng nakaraan. Hindi ko inaasahang matatagalan kami kaya...6:45PM na.

Pagkalabas namin ng exit gate ay nadatnan agad namin si So-ji na naghihintay para sunduin siya. Nagkamustahan kami sandali ni So-ji at kinuwento niyang hindi sila makakapaghapunan sa bahay dahil sa trabaho ni Dante, photoshoot daw.

Hay...

Ako na lang mag-isa ulit ngayon. Teka, sandali lang..hindi pala!

Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan ang anino ko. Kahit hindi ko literal na nakikita 'yon ay ramdam kong nakatitig din 'to pabalik sa'kin. Sa tingin ko rin ay ako lang ang nakakaramdam sa alagad ni Dinere.

Luminga-linga muna ako sa paligid para i-check kung may tao. Nang masigurado kong wala ay huminga muna ako nang malalim. Grabe, ba't ngayon ko lang naisip gawin 'to?

"Lumabas ka Anino..."

Ayan na, lumabas na 'to sa anino ko. Gaya no'ng kagabi ay nang makatayo na 'to sa harapan ko ay agad din 'tong lumuhod.

"Gusto ko lang itanong kung...kapag sinabi ba ni Dinere na 7PM ay eksaktong 7PM talaga? Tapos 'yong susunduin niya raw ako, ano ba 'yon? Pupuntahan niya ako sa bahay? 6:58PM na kasi tapos magcocommute pa ako..."

Lumipas ang tansya kong tatlong sigundong katahimikan na nakatitig lang 'to sa'kin. Walang imik...o kahit ano.

Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Kaya naman pala hindi ko naisipang magtanong kasi sa likod ng utak ko ay may kutob na akong ganito ang mangyayari.

"Ahm...sige. Ayos lang, bumalik ka na." ani ko habang may mapait na ngiti.

Sana lang talaga makasakay ako agad at hindi maipit sa traffic para makauwi ako agad.

G U A R D I A N SWhere stories live. Discover now