CHAPTER 27: MEETING

27 14 9
                                    

[ Jacques Gruel - Point of View ]

Gabi na.

Pagkatapos kong ilabas si Ami ro'n sa bunga, si Santi na muna ang umasikaso sa kanya. Ang totoo ayoko sanang iwan pa sana si Amitage pero siya na mismo ang nagsabi na ayos lang.

Kaya ngayon, nandito ako sa isang kwarto na mukhang guest room. Kinailangan kong maligo sa maligamgam na tubig para lang maalis 'yong dagta no'ng bunga na bumalot sa buong katawan ko kanina.

Kakatapos ko lang maligo at nagsusuot na lang ako nang bagong damit. Nasuot ko na ang itim na jogging pants, itong asul na t-shirt na lang...

Habang inaalis sa pagkakatupi 'yong t-shirt ay nahagip ko ang sarili ko sa salamin nang vanity dresser na kaharap ko. Hindi ko napigilang titigan ang mukha ko.

Parang hindi na yata ako sanay na makita ang sarili ko na wala 'yong telang nakapulupot sa ulo ko para takpan ang noo ko. Hindi ko maisusuot 'yon ngayon kasi puno ng dagta kaya inilublub ko muna sa tubig.

"Jacques!?" ha? Bakit pumasok bigla rito si Janel? Sobrang lakas pa nang pagbukas niya no'ng pinto. Parang galing siya sa pagmamadali.

"Janel a-anong..amh..kamusta?" bakit ganyan siya makatitig sa'kin? May mali ba? Medyo nanlalaki ang mga mata niya at dahan-dahan lang siyang naglalakad palapit.

"Sorry, nagbibihis ka pala. Ang...ganda pala ng build ng katawan mo."

Ha? Parang kani-kanina lang ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya pero ngayon iba na. Bago ako gumanti ng sagot ay sinuot ko na muna 'yong t-shirt.

"First time kong masabihang maganda ang katawan ko. Buong buhay ko kasi ang kutya sa'kin patpatin.."..at hindi ko mapigilan kamutin ang kanang tenga ko sa tuwing naaalala ko ang mga alaalang 'yon.

"Ganun? Pero siguro kapag nagtopless ka sa harapan nila ngayon baka mahulog na ang mga panga nila." sinabi niya 'yon nang may konting ngisi at nakahalukipkip ang nga braso. "Ang laki na nang pinagbago mo Jacques."

Malaki na ang pinagbago ko? Kung totoo man 'yan ay hindi ko ramdam. Kasi kung meron nga akong pinagbago...edi sana hindi kailangan mapahamak ni Amitage.

"Jacques..." naputol ang pag-iisip ko ng hawakan ni Janel ang kaliwang kamay ko, na mahigpit na palang nakayukom. Dahil din sa ginawa niya ay nagkatitigan kaming dalawa.

"I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit pero no'ng sinabi niya 'yon ay malinaw kong nakita sa mukha niya ang pagsisisi at kalungkutan.

Pinili kong 'wag na munang magsalita at hinintay ang idudugtong niya. Huminga muna siya no'n bago nagpatuloy at habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ko.

"Pakiramdam ko isa ako sa mga may kasalanan sa nanyari sayo. No'ng mangyari 'yong insidente..at no'ng makita ko kung anong itsora mo pagkatapos no'n..sobrang nag-alala ako. Naisip ko na sana pinabantayan na lang kita sa isa sa mga alagad naming anino ni Dinere. Edi sana natulungan kita agad at hindi na kailangan na umabot sa ganun."

Pagkatapos kong makinig ay ako naman ang huminga nang malalim. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko no'n at pinutol ko na rin ang pagtititigan namin bago ako nagsalita.

"Salamat sa pag-aalala sa'kin Janel. Ayos na ako ngayon kaya hindi ka na dapat mag-alala." sa mga puntong 'to ay tumingin na ulit ako kay Janel, nagbigay rin ako sa kanya nang mababaw na ngiti. "Kung inaalala mo kung maglalaban pa rin ba tayo sa Battlers..-"

"Hay, iisipin ko pa ba 'yon ngayon? At saka hindi na rin naman ako sasali. Hindi na 'yon importante sa'kin."

Ngumiti kami ni Janel sa isa't-isa pagkatapos no'n at saka naging tahimik. Hay, dapat natutuwa ako na nag-aalala siya para sa'kin pero hindi ko magawa. Ang mga tingin niya kasi kanina...masyadong naaawa sa'kin. Wala pa rin talaga akong pinagbago.

G U A R D I A N SOnde as histórias ganham vida. Descobre agora