Kabanata LXIX (Larong Pampalakasan Part 3)

11.9K 712 656
                                    

ELIANA'S POV

Matapos ng mahaba-habang lakaran ay narating na rin namin ang isa sa mga booths na itinago ata talaga ng todo para hindi mahanap. Pakiramdam ko talaga ayaw nilang manalo ang mga manlalaro sa palarong ito e. 

Halos parehas kaming hingal na hingal ni Eryx dahil matarik na gubat ba naman ang nilibot namin tapos isa pa lamang ang mapupuntahan namin na booth!

"Magandang araw, Prinsipe Eryx at Prinsesa Eliana." Nakangiting bati sa amin ng dalawang babae na bantay marahil ng istasyon. Simple lang naman ang gayak nila atmapaghahalataan na mga mag-aaral din sila ng akademya na naatasang magbantay sa mga istasyon. 

Marahan naman silang tinanguan ni Eryx habang nagpupunas pa rin ng pawis.  Inabutan naman siya ng tubig at tuwalya ng isang babae at gayon din ang ginawa sa akin ng isa pa. 

"Kayo ang ikalawang pares na susubok sa aming palaro! Handa na ba kayo?!" Masiglang saad ng isa habang may kung anong kinukuha sa ilalim ng lamesa. 

Napasimangot naman ako sa isinaad ng babae. Di pa man ako nakalalagok ng inumin ay magsisimula na kaagad. Puwede bang kalma lang? Hingal na hingal pa ako sa totoo lamang. 

"Ano ba ang gagawin namin sa istasyon na ito?" Hingal na tanong ni Eryx habang binabasa ng kaunti ang buhok at naghihilamos.  Maging ang pang-itaas niya tuloy ay nabasa kaya bumakat lalo ang katawan niya dito lalo na at nakaputong kamiseta lamang siya!

Napatitig naman ang dalawang babae sa katawan niya na hindi ata namamalayan ni Eryx dahil abala pa rin siya sa paghihilamos. Kulang na lang ay maglaway sila sa katawan nito na mistulang karneng ibinebenta sa palengke. Umiwas na lamang ako ng tingin at mas lalong sumimangot. Di ba siya marunong magpasintabi? May mga kababaihang mistukang halimaw na nakaabang sa katawan niya oh! 

Nakasimangot ko namang pinitik-pitik ang aking daliri para ibalik ang dalawa sa reyalidad.  Mukhang tutulo na ang laway nila e.  Ngayon lang ba sila nakakita ng katawan ng lalaki?! Jusme naman. 

"Ayos." Inirapan ko pa sila sabay pinandilatan ng mga mata.  "Nagmamadali kami." Malamig ko pang saad. 

Napapahiyang umayos naman ng tindig ang dalawa habang inaayos pa ang kanilang uniporme na hindi naman nagusot. Para-paraan rin para di masyadong halata na napahiya.

Natapos na rin si Eryx sa pang-aakit este sa paghihilamos niya kaya lumapit na rin siya sa amin. Sabay pang namula ang mukha ng dalawang babae dahil bakat na bakat talaga ang katawan ng kuya niyo. Wala man lang ba siyang pamalit?

"Oh." Mahinahon at nakasimangot ko pa rin na saad habang iniaabot ang aking tuwalya na hindi ko naman nagamit pagka't may baon akong panyo. Nagtataka naman siyang tumingin dito bago mag-angat ng tingin sa mga mata ko. 

Sandali pa niyang pinakatitigan ang tuwalya at nang makaramdam na ako ng inis ay mas lalo ko itong inilapit sa kanya. "Nangangawit na ako."

Mukhang nagulat naman siya sa reaksyon ko ngunit nananatili pa rin siyang nagtataka sa aking ikinikilos. Masama na ba mag-abot ng tuwalya sa tao ngayon? Kasalanan ko pa kapag nagkapulmunya siya dahil sa ginagawa niya. 

"Ah... Hindi na prinsesa Eliana, may sarili naman akong---" 

"Ipantakip mo sa katawan mo, nakakaasiwa e" Malamig na saad ko na lamang saka marahang ibinato ang tuwalya sa kanyang katawan. "Kung ayaw mo gamitin, ibalik mo na lang." dugtong ko pa at hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon niya. 

"Magsimula na kayo." Bagot kong utos sa dalawang babae na mistulang nanonood ng pelikula dahil sa mga kaganapan sa amin. Hindi pa nakataas sa akin ang lihim nilang pagngingitian na para bang kilig na kilig sila sa nakikita. 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon