Kabanata XCI

10.2K 712 691
                                    

ELIANA'S POV

Nanatili akong nakatayo at nakapameywang sa aking puwesto magmula nang pigilan ako ni Zephyr na makasakay ng karwahe.

Hindi na rin ako nagsalita pa at taas kilay na lamang silang tiningnan dalawa dahil ano nga ba ang sasabihin ko? Hindi nga ako nasabihan na aalis pala siya at babalik ng kanyang kaharian tapos ngayon ay magpapakita na lang siya sa harapan ko. Ginagago ata ako ng dalawang 'to. 

"Ah...Tinulungan ko lang si Zeph na mahanap ka, Eliana. Kanina ka pa niya kasi gusto makausap kaya ---" 

"Hindi kita pinagpapaliwanag." Malamig kong saad kay Ellionoir nang magsimula na siyang tumalak kahit hindi ko naman siya kinakausap at wala naman akong balak na kausapin siya.

Hindi pa ako nakuntento at pinaningkitan ko pa siya ng mga mata dahilan para napapahiyang mapayuko na lamang siya sa likod ni Zephyr. Tsk. 

Bakit ba siya nandito? Bakit ba SILA nandito? 

"Sige na, Prinsesa Ellionoir. Maraming salamat at tinulungan mo akong mahanap si Eliana. Maaari ka nang bumalik sa 'yong mga kapatid dahil baka hinahanap ka na nila." Mahinahon naman na saad ni Zephyr habang nililingon ang gawi ni Ellionoir. 

Nakita ko pa kung paanong nagulat si Ellionoir sa sinabi sa kanya ni Zephyr at panay bukas at sara ng kanyang bibig na para bang may nais pa siyang sabihin.

Huwag mong sabihin na mananatili siya dito gayong ako ang gustong kausapin? Puwede rin namang siya na lang. Tss.

Nilingon niya rin ang gawi ko dahilan para taasan ko naman siya ng kilay.

Ano ba? Hindi ba siya nakaiintindi o bingi lang? 

"S---Sige, Zeph. Mauuna na ako. Kung kailangan mo ng tulong ay maaari kang lumapit sa akin ano man 'yan." Pinilit pa ni Ellionoir ang ngumiti sa amin bago bigyan ng isang magalang na yuko si Zephyr. 

Nilingon din ako ni Ellionoir para magpaalam ngunit inirapan ko lamang siya at hindi na muling tumingin sa kanyang gawi dahilan para napapahiyang mapayuko na lamang siya. 

Parang gusto ko tuloy matawa sa mga naririnig at nakikita ko. Buong akala ko ay ayos na ang kung ano mang kumpetensya at hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Ellionoir. Pero mukhang sa magkakapatid na Agrigent ay siya ang pinaka impossibleng mahanapan ng totoong katauhan at pag-intindi. 

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa amin ni Zephyr nang iwan kami ni Ellionoir. Nananatili rin tahimik sina Stella at Leandra sa aking likuran.

"Eliana, maaari ba kitang makausap?" Kaagad na bungad sa akin ni Zephyr.

Hindi naman ako kaagad kumibo dahil bahagya ko muna siyang tiningnan ng mabuti mula ulo hanggang paa habang nakakrus ang aking mga braso at nakataas pa rin ang aking kilay.

"Anong kailangan mo?" Tinatamad kong tanong.

Bahagya pa siyang nagulat sa reaksyon ko pero wala na akong pakialam doon.

"Kung maaari lamang ay aayain sana kitang mamasyal sa bayan sandali upang---"

"May gagawin pa ako." Kaswal kong pahayag.

Nakakatawang isipin na nagagawa kong makipag-usap ng ganito kakalmado kay Zephyr kahit pakiramdam kong parang may mali na namamagitan sa pagitan naming tatlo nina Ellionoir.

May karapatan ba akong kuwestyunin ang hindi niya pagpapaalam sa akin ma uuwi muna siya ng kaharian nila dahil may sakit ang kanyang ina? Syempre, wala, dahil nililigawan niya lang naman ako at kung gusto niya naman ipaalam sa akin ay magbibigay man lang siya ng sulat o paalala.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon