Kabanata LXXI

11K 650 616
                                    

ELIANA'S POV 

MAAGA pa lamang ay abala na si Leandra sa pagsusuklay ng aking buhok habang si Stella naman ay kumukuha ng makakain sa ibaba pagka't tinatamad ako ngayon magtungo sa kantina dulot na rin ng pagkakatapilok ko kahapon. 

Nakalipas na ang magdamag magmula ng opisyal nang matapos ang mga palaro at paligsahan. Ang sabi nina Leandra at Stella ay nagkaroon pa raw ng pagdiriwang kagabi kasabay ng mga naggagandahang paputok biglang programa sa pagtatapos ng taunang pampalakasan. Sayang nga raw at nahihimbing na ako sa aking silid kaya hindi ko na nasilayan ang kasiyahang iyon. Pero para sa akin, wala na rin naman akong pakialam. Ang mahalaga ay nakapahinga na ako at natapos na ang mahigit isang linggo ko ring pagdurusa mga palaro na pinalano nila. Umay na umay na ako sa mga tao utang na loob naman. 

Dagdag pa sa kuwento ng madadaldal kong mga katulong ay ang pagsugod daw ng mga kapatid ko sa dormitoryo. Halos kumpleto raw sila dito sa silid ko maliban na lamang syempre sa malditang sina Neola at Caitrionna. Mukhang lahat pa ata sila ay ninais ako ihatid sa silid dahil ang himbing himbing na raw ng tulog ko. Ang ikinaiinis ko lamang ay bakit kinakailangan lahat pa sila ang maghatid sa akin?! Mabigat ba ako?! Kailangan ba talaga isang batalyon ang maghahatid sa katulad ko?! Nakakaloka! 

Isinantabi ko na lamang tuloy ang mga katanungan na nasa isip ko dahil sandamakmak na naman ang nadagdag sa mga problema ko matapos ng mga kaganapan kahapon. Ngayon ko lamang din naisip na hindi pala kami nagkita ni Zephyr kaya hindi ko alam kung ihahatid niya ba ako ngayong araw sa silid-aralan o hindi na. Ayos lang naman sa akin kung alin man sa dalawa ang mangyari dahil kaya ko rin naman ang sarili ko kahit masakit pa rin ang aking paa. 

"Prinsesa Eliana, nag-iwan po si Doktor Aeson ng sulat kagabi kasabay ng mga ilang gamot para sa iyong namamagang paa." 

Napadilat naman ako ng mga mata dahil sa sinabi ni Leandra. Kanina pa ako nakapikit dahil aminado rin naman ako na magaan talaga ang kamay niya at talaga namang mistulang hinehele ka sa bawat dampi nito. 

Iniabot niya sa akin ang isang malinis na papel na kapansin-pansin kaagad ang magulong sulat. Hindi mapagkakaila na katulad nga ng kay Aeson na isang doktor ang sulat-kamay na ito. 

Prinsesa Eliana, 

Hindi libre ang serbisyo at mga gamot ko kaya kung masasaktan ka, siguraduhin mong hindi ako ang maaabala.

P.S. 

Ipahid mo sa namamaga mong paa ang iniwan kong gamot. Mabisa iyan sa pamamaga at kirot. Binayaran na rin 'yan ni Prinsipe Eryx kaya huwag mong sayangin. Kung ayaw mo, hihintayin ko na lang ang araw na gagapang ka tungong klinika para ipaputol ang paa mong napabayaan.

- Aeson  

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa mga nabasa ko. Kahit habang nagbabasa ay dinig ko pa rin ang pagsusungit ng impaktong iyon at ang kanyang nagmamaldita na mukha. Sandali ko pa itong pinakatitigan bago tamad na inilagay ito sa aking lamesa. 

"Nasaan ang gamot na ibinigay ni Aeson?" Bagot kong tanong kay Leandra habang tinitingnan ko lamang siya gamit ng salamin na nasa aking harapan. 

Sandali naman siya nag-angat ng tingin sa akin bago sumagot. "Ah, ito po ba?" Inabot niya sa akin ang isang bote na may kaliitan at naglalaman ng kung anong kulay puting likido. Binuksan ko naman ito at kaagad bumungad sa akin ang halimuyak ng rosas. "Ang sabi po ni Doktor Aeson ay ipahid niyo raw po iyan bago kayo pumasok sa klase at bago matulog." Mahinahon na saad pa ni Leandra habang abala pa rin siya sa pagsusuklay at pagtirintas sa aking buhok. 

Hindi naman na ako sumagot at inilagay na lamang din sa lamesa ang bote. Mamayang gabi na lang siguro ako maglalagay nyan pagka't malagkit at mainit ito sa paa. Hindi naman siguro mapuputol ang paa ko kung hindi ako makapaglalagay tuwing umaga. 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon