Kabanata LXXIII

8.9K 567 390
                                    

Eliana's POV

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa aking kama at nakayakap sa aking mga tuhod. Alas sinco pa lamang ng madaling araw ay gising na ako at hindi na ako muling makatulog kaya naisipan ko na lamang tumulala sa kawalan at isipin ang mga desisyon ko sa buhay. Grabe, nakakaaning talaga kapag madaling araw. 

"Prinsesa Eliana, hindi ka pa ba kakain? Lalamig na po ang iyong agahan." Mahinahon na tawag ni Leandra kahit na tatlong beses na niya ako tinatawag. Mabuti at hindi pa siya nauubusan ng pasensya sa akin. 

"Mamaya." Tamad kong sagot. 

Wala naman akong sakit o ano mang nararamdaman sa katawan ko. Sadyang tinatamad pa talaga ako bumangon dahil iniisip ko pa rin ang mga pangyayari kahapon at ang panaginip ko kaninang madaling araw. Bakit nga ba naaalala ko ang lalaking iyon? Tungkol saan nga ulit ang panaginip ko kanina? Tsk. 

-----

Araw ng mga puso sa Pilipinas at nakagawian na namin ni Calyx na magkita sa paborito naming restaurant para sabay na maghapunan. Kagagaling ko lamang sa Unibersidad at sinabi ko na lamang sa kanya na hindi na niya ako kinakailangang sunduin dahil dala ko naman ang kotse ko. 

Sa entrada pa lamang ng Mall ay makikita na ang mga magkasintahang magkahawak ang kamay at napakalambing sa isa't isa. Mayroon din naman kasama ang kanilang mga kasintahan na may hawak na naglalakihan at nagmamahalang mga bouquet. Kapag talaga araw ng mga puso ay nagmimistulang mga naglalakad na paso ang mga tao. Patalbugan din sila sa mga malalaking teddy bear at mga kahon ng tsokolate na nagmistulang duty free na ang buong paligid. Tss. 

Habang naglalakad papunta sa restaurant ay naisipan ko muna ang mag-banyo at dahil nasa Pilipinas ako, kinakailangan ko pang pumila ng napakahaba bago mailabas ang ihi ko. Ayos lang din naman pumila sandali lalo na kung makakarinig naman ako ng tsismisan sa tabi-tabi. Inayos ko rin ang suot kong shades para hindi halatang nakikitsismis lamang ako sa dalawang babae na nasa harap ko. 

"Uy, Lovely, ano bang regalo mo sa nobyo mo? Di ba maglilimang taon na kayo? Saktong-sakto at Valentines Day ngayon!" 

"Hindi ko nakalimutan, Grace, syempre boyfriend ko 'yon no! Balak ko siya regaluhan ng mamahaling sapatos. Iyong Nike Air Jordan Delta 2! Sa Overseas ko pa nga inorder at kanina lang dumating."

Pasimple naman napataas ang kilay ko sa narinig kong brand ng sapatos. Original naman kaya 'yon? 

"Ay! Pangalan pa lang, bongga na! Magkano naman iyan? At Overseas pa talaga! Sosyal!" 

"10k, Sis! Jusko ang mahal nga e pero okay lang! Para naman sa babylabs ko." 

"Ha?! 10k para sa sapatos? Ang mahal naman! E mare saan ka naman kumuha nun e di ba magkano lang naman ang suweldo mo?" 

"Nangutang muna ako, Sis! At isa pa, ilang buwan din ako nagtipid para mabili iyon." 

"Nakakaloka ka, Mare, kaya pala buto't balat ka na! Kumakain ka pa ba? Para lang sa boypren mo, gumastos ka ng ganyan kamahal. Ilang buwan na rin na suweldo iyon kung tutuusin." 

"Okay lang, mahal ko naman. Basta masaya siya sa regalo ko, okay na ako." 

Naiintindihan ko naman ang punto ng babae. Kung ganyan siya magpakita ng pagmamahal - sa pamamagitan ng mahahaling regalo - ay buhay na niya iyan at wala ng pakialamanan. Pero nagtataka lang talaga ako kung bakit kinakailangan niya pang magsakripisyo ng todo para lamang mapasaya ang kapares niya. Hindi ba puwedeng sa simpleng paraan na lamang ipakita ang bagay na iyon? Maiintindihan naman siguro ng lalaki kung ganon? 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon