Kabanata LXVI

12.1K 663 754
                                    

- ORRYN -

MADALING araw pa lamang ngunit abala na ang mga tauhan ni Orryn sa pagsasagawa ng panibago nilang negosyo. 

Ilang linggo na ang nakalilipas magmula ng matapos ang pamamayagpag ng kanilang Ether at ngayon naman ay panibagong larangan na ang kanilang pinasok upang magkaroon ng pagkakakitaan na malaking halaga. 

Mahirap man ang pinili nilang uri ng pagkakakitaan ngunit ayon na rin sa suporta at kautusan ng kanilang pinuno ay wala silang ibang magagawa kundi ang tapusin at gawin ang ganitong trabaho. 

"Boss, saan ko ilalagay ang isang 'to?" Tanong ng isang tauhan na kababalik lamang sa kanilang kuta. 

Abala si Orryn sa pagbibilang ng mga ginto at naantala lamang ito dahik sa pagtawag ng kanyang tauhan.  Inis niya itong nilingon bago padabog na ibinaba ang hawak na mga salapi. 

"Punyeta tinatanong pa ba 'yan?  Ikulong mo roon sa ibaba!" Pigil galit na utos ni Orryn habang itinuturo pa ang daan kung nasaan ang bilangguan na kanyang tinutukoy. 

Napakamot na lamang tuloy sa ulo ang tauhan at iiling-iling na sumunod na.  Sa isip niya ay ang aga-aga pa lamang ay mainit na kaagad ang ulo ng kanilang pinuno. Bagay na madalas naman mangyari kay Orryn ngunit mas napapadalas ngayon lalo na at wala na ang kanilang ikalawang pinuno.

Halos lahat ng trabaho ng kanilang sindikato ay napunta na kay Orryn at tangin siya lamang din ang namamahala sa daan-daan nilang mga tauhan.

"Sandali lang!"

Napahinto naman ang tauhan sa paglalakad ng bigla siyang tawagin ni Orryn.

Bigla rin siyang kinabahan dahil mahilig pa naman biglaan manapok ang kanilang pinuno o di kaya ay bubulyawan na lamang siya nito.

Blangko ang ekspresyon ni Orryn na naglakad palapit sa kanyang tauhan. Ang mga mata niya ay nakapukol sa dalagang walang malay na nakasabit sa balikat ng matabang tauhan.

Nang tuluyang makalapit sa babae ay marahas na inangat ni Orryn ang ulo nito gamit ang mahigpit na pagsabunot sa buhok. Pinakatitigan niya ang maamo at nakapikit na dalaga na parang lantang gulay lamang.

"Prinsesa ba ito?" Malamig na tanong ni Orryn habang tinititigan pa rin ang kabuuan ng mukha ng babae. Maski ang pananamit at kutis nito ay kanyang pinakatitigan upang matukoy kung anak ba ito ng isang aristokrata.

"Hindi boss. Nagtitinda lamang siya ng gulay sa bayan. Maganda ang mukha at makinis ang kutis. Malaki ang magiging benta nito kapag---"

"Tonto!" Malakas na sigaw ni Orryn sabay hambalos ng hawak na papel sa uluhan ng kanyang tauhan.

Nagulat naman ang tauhan dito maging ang iba pang kalalakihan na nasa loob ng silid. Hindi nila mawari kung bakit nagalit bigla ang pinuno gayong tama naman ang sinabi ng kanilang kasamahan.

Makikita ang galit at pagkainip sa mga mata ni Orryn. Bagay na mas nakakatakot ang dating niya kapag ganito ang kanyang ekspresyon.

"B...Boss bakit mo ako pi---"

"Inaatupag niyo ang mga kababaihan na mababa lamang ang halaga! Puro mga anak ng ordinaryong mamamayan o di kaya'y mga dukhang nagtitinda lamang! Kailangan ko mga anak ng aristokrata! Mga anak ng hari! Mga prinsesa!" Galit na sigaw ni Orryn sa lahat ng kaniyang tauhan na halos umaalingawngaw na sa buong silid.

Kinabahan naman ang mga tauhan niya dito kaya mas pinili na lamang nila manahimik maliban na lamang sa tauhan na kaharap ni Orryn.

"E...Eh,  Boss,  hindi naman ganoon kadali dumakip ng mga prinsesa at anak ng aristokrata. Lahat sila ay nag-aaral sa akademya na sagad na sagad ang seguridad. Hindi naman namin maaaring pasukin ito at---"

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon