Kabanata XCIV

10.4K 859 1.5K
                                    

ELIANA'S POV 

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Malamig at may himig ng inis na tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon sa karwahe na nasa himpapawid. 

Alas otso pa lang ng umaga at dapat ay nasa klase ako ngayon pero nandito ako sakay ng isang pamilyar na karwahe na ginamit ko na rin noon.

Sandali niya muna akong tiningnan bago marahang yumuko sa akin at sumagot. "Aiah po. Katulong po ako ni Prinsipe Zephyr." Tipid at magalang na sagot niya sa akin.

Sandali muna akong dumekuwatro at ipinagkrus ang aking mga braso bago siya taasan ng kilay.

"Aiah, hindi ka ba tinuruan ng amo mo na kapag tumanggi ang isang panauhin ay hindi na ito dapat pang pinipilit? Saan mo natutunan ang kawalang respeto mo na pagpipilit sa akin sumakay sa karwaheng ito?" Mataray kong tanong sa kanya habang pinandidilatan ko na rin siya ng mga mata.

"Pasensya na po, Prinsesa Eliana." Marahan naman siyang yumuko sa akin bilang paghingi ng paumanhin ngunit napakapormal pa rin ng boses niya at halatang disiplinado ang bawat pagkilos niya. "Ipinag-utos po talaga ni Prinsipe Zephyr na isama ka po ngayon sa Kaharian ng Umoewin kahit ano pong mangyari."

Napapikit naman ako saglit dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi dapat ako nagagalit sa kanya dahil napag-utusan lamang siya. Dapat na pinagbubuntungan ko ng inis ay ang nag-utos sa kanya na sapilitan akong isakay dito sa karwahe at dalhin patungong Umoewin.

Sa pagkakatanda ko ay ito ang araw ni tinutukoy ni Zephyr na magdidiwang siya ng kanyang kaarawan at halos ilang linggo niya rin dinadahilan sa akin na sanhi ng kanyang pagkaabala.

Pero ang nakakainis ay wala naman akong natatandaan na pumayag akong dumalo sa kaharian niya dahil hindi naman naging maayos ang pag-uusap namin noong nakaraan. Hindi ba talaga siya marunong umintindi o sadyang napakatigas lang talaga ng mukha niya na ipilit sa akin ang mga gusto niya.

Tsk. Kailangan ko na siya makausap ng maayos dahil hindi ko na nagugustuhan ang palagian niyang pagpilit sa akin ng mga bagay na malinaw sa kanya na hindi ako kumportable.

Bakit ba siya naging ganito kaagresibo? Hindi naman siya ganito sa akin noong una. Pero ngayon ay pakiramdam ko ay minamadali niya ako sa kung ano. Gusto niya na ba na sagutin ko siya? Inaasahan niya ba talagang sasagutin ko siya sa ipinapakita niyang ugali ngayon?

"Bakit kailangan mo pang idawit ang batang 'to?" Pagbabalik ko naman wa usapan namin habang nakanguso ako sa aking tabi kung saan nakaupo si Cainon.

Ang lakas din ng loob niya na matulog sa kandungan ko e ang bigat bigat ng ulo niya.

"Malapit po ang loob ni Reyna Zephariah kay Cainon kaya ipinagpaalam din siya ni Prinsipe Zephyr na isama muna panandalian sa kaharian. Hindi naman po namin pababayaan ang bata maging kayo, Prinsesa Eliana." Magalang pa rin niya na sagot.

Nanatili na muna akong tahimik dahil  nagdadalawang-isip pa akong itanong ang patungkol dito pagka't kilala ko naman na kung sino ang may sala. Pero wala na rin naman masama magpakasiguro.

"Ikaw ba ang nagpadala ng bulaklak sa botika ko kahapon?"

"Ako nga po, Prinsesa Eliana."

"Sino ang bumili at namili ng mga bulaklak sa kumpol na iyon?" Kunot noo kong tanong habang pinaninigkitan ko pa siya ng mga mata.

Kung siya ang nagpadala ng bulaklak ay possible rin na siya ang bumili ng mga ito at possible rin na si Zephyr ito.

"Si Prinsipe Zephyr po mismo ang namili ng mga bulaklak, Prinsesa Eliana. Lahat ng bulaklak na nandoon ay patok po sa aming kaharian. Hindi niyo po ba nagustuhan ang mga iyon?"

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon