Special Chapter: RATSP Christmas Edition

8.2K 630 387
                                    

Author's Note

Hi, Kins! You may or may not read this part since hindi naman ito makakaapekto sa plot ng RATSP. This is just a special chapter to give you, kins, a glimpse kung paano kaya ang kuwento ng RATSP sa modern setting at ang kanilang pagdiriwang ng pasko.

Sana magustuhan niyo ang munting pamasko ni Author. Muli, maligayang pasko sa lahat! At sana naenjoy niyo ang mahalagang araw na ito kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Kapag maganda ang feedback nito, baka magkaroon pa tayo ng mga special chapters sa RATSP sa tuwing may special occasion na puwede ko maincorporate sa characters nina Eliana. 😁

ELIANA'S POV

Kasalukuyan akong naghahanap ng libro na maaari kong basahin nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kamuntik pang mapalingon sa akin ang mga tao dahil sa lakas ng tunog nito at nakalimutan ko rin isilent gayong nasa library pala ako.

Inis ko naman na kinuha ito mula sa pitaka ng aking pantalon at kunot-noong binasa.

'Umuwi ka raw ng maaga sabi ni Kuya Adelrick.'

Tanging 'yan lang ang nakalagay sa mensahe na nagmula pa kay Daewon.

'Ayoko.'

Sagot ko naman at pinatay ko na muli ang aking cellphone.

Syempre biro lang naman iyon dahil alam niya naman na kapag hindi ako umuwi ng pasko sa mansyon ay tiyak na sagad na naman sa pagtatampo at pangongonsensya ang gagawin nilang dalawa sa akin.

Muli akong nagpatuloy sa paghahanap ng libro patungkol sa Marketing ng muling mag-vibrate ang cellphone ko. Sa pagkakataong ito ay ang alarm ko naman ang tumunog dahil mayroon din akong kikitain pagpatak ng alas tres ng hapon.

Nagmamadali ko naman na ibinalik ang mga libro sa kung saan sila orihinal na nakalagay. Kinuha ko naman ang ilang kakailanganin ko saka dali-dali akong lumapit sa librarian upang ipalista ang aking mga libro.

Matapos masiguro na nakuha ko na ang mga kakailanganin ko ay dali-dali na akong lumabas ng library at nagtungo sa aking kotse. Kaagad ko rin naramdaman ang malakas na simoy ng hangin dulot ng snow at malamig na temperatura. Bagay na nagugustuhan ko at kinamumuhian ko rin dahil sa lamig na dulot nito.

Pagpasok ko naman sa aking sasakyan ay kinuha ko muna ang aking cellphone at tinext si Zephyr. Siya ang kikitain ko ngayon dahil nais niya raw munang magkaroon kami ng oras dalawa bago sumapit ang noche buena mamayang gabi.

'OTW.'

Tamad kong pinindot ang send at tumuloy na ako sa pagmamaneho.

Habang sinusuong ko ang makapal na snow sa daan ng may kasamang labis na pag-iingat ay muling tumunog ang aking cellphone hudyat na mayroon na namang tumatawag sa akin.

Kinuha ko naman ang aking earphones at marahan itong isinuot bago sagutin ang tawag. Hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin din ito nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin.

"Eliana. . . Maligayang pasko." Malamyos ang tunog at mukhang kagigising lamang ni Abraham dahil sa bahagyang paos niyang boses.

Panigurado ay hindi na naman siya makakauwi ngayong pasko dahil sa kanyang trabaho.

"Maligayang pasko, Abe." Saad ko rin sa kanya sa pinakamalamyos na tinig na mayroon ako.

"Kumusta ka naman? Pasensya na at hindi ako makauuwi ng pasko sa taong ito. Kinakailangan ko rin kasi ang bonus na makukuha dito para may maipadala kina Inay at kuya." Paliwanag niya naman sa akin habang ganoon pa rin ang boses niya na tila ba bagong gising pa rin.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon