Kabanata LXIII: The Cryosail

12.9K 825 1K
                                    

ELIANA'S POV

"Ano iyan?" Nakasimangot kong tanong kay Leandra habang nakahilata ako sa aking kama at nagpapaantok.

Nilingon niya naman ako habang sinasampay ang kulay puti at may kalakihang bestida. Wala man lang maski isang disenyo ito at tiyak ako na kapag sinuot ko ito ay mapagkakamalan na akong hanger sa luwag ng damit.

"Hindi ka ba nasabihan patungkol sa susuotin niyo bukas, Prinsesa Eliana?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Pagmamaldita ko naman. Hindi naman ako agad sinagot ni Leandra dahil tinapos niya muna ang pagsasampay.

"Ito ang damit na susuotin mo bukas, Prinsesa Eliana. Kararating lamang nito kaninang umaga." Kalmadong paliwanag niya naman.

Nangunot pa ang noo ko at inalala kung anong mayroon bukas.

"Para sa pesteng Cryosail?" Pagkukumpirma ko pa dahil baka mamaya basahan pala ang damit na ito na gagamitin panglinis sa kung ano.

Muli namang akong nilingon ni Leandra at tumango-tango.

Pucha! Bukas na pala ang palarong iyon? Ang bilis nga naman ng araw oh! Parang nung nakaraan pinag-uusapan pa namin ni Zephyr na kapag nanalo siya sa ibang laban sa araw ng palaro ay magkakainan este kakain kami sa labas tapos bukas gaganapin na pala ang buwisit na Cryosail.

"Nakakatamad!" Bulalas ko pa. Gumulong-gulong pa ako sa kama ko dahil wala lang, gusto ko lang.

Nararamdaman ko naman na tinitingnan ako ni Leandra na para bang naweweirduhan. Si Stella ay nasa banyo at naliligo kaya kaming dalawa lang ni Leandra ang nandito at malaya akong magpakita ng kabalastugan ko.

Sandali pa akong gumulong-gulong hanggang sa nakaramdam na rin ako ng pagod. Patagilid naman akong humiga na nakaharap sa gawi ni Leandra na ngayon ay nagtitklop ng ilang damit ko.

Hindi ko naman na siya pinagtuunan ng pansin at pinakatitigan ko na lamang ang puting damit na mistulang malaki at basahan na kurtina.

Bakit nga ba hindi ko naalala na may kakaibang kasuotan sa mundong ito pagdating sa paglangoy? Napakapanget! Daig pa ng magmamadre ang haba at kapal ng tela nito. Hindi kaya malunod ako kapag lumangoy-langoy ako gamit ng pesteng damit na iyan?

Sa sobrang pagbibigay importansya nila sa pagiging konserbatibo ng mga kababaihan ay kakalimutan na nila ang kaligtasan nito. Paano lalangoy kung ganyan kakapal at kabigat ang damit?! Jusko naman?!

Sa sobrang inis ko matapos mapagtanto ang bagay na iyon ay bumalikwas ako ng upo at tamad pang kinamot-kamot ang aking ulo na para bang may iniisip ako.

"Abot mo nga yan." Tamad kong utos kay Leandra habang itinuturo ang nakasampay na bestida.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at nilingon din ang tinuturo ko. Nakasimangot lamang akong nakatingin sa kanya.

"Para saan po, Prinsesa Eli---"

"Wala kang pakialam." Masungit na saad ko pa. Nilingon ko pa ang gunting sa tabi at kinuha ito bago bumalik sa aking puwesto. "Akin na." Malamig na utos ko muli.

Nagtataka naman akong tiningnan ni Leandra at nagpapapalit-palit ang tingin niya sa hawak kong gunting at sa damit na pinapakuha ko.

Ilang sandali lamang ay parang napagtanto na niya ang balak kong gawin dahil matalino talaga si Leandra. Dali-dali siyang lumapit sa bestida at hinarangan ito na para bang pinoproteksyunan.

"Hindi mo maaaring gupitin ang damit na ito, Prinsesa Eliana." Pakiusap niya pa. Umiiling-iling pa si Leandra na parang tanga at todo takip sa damit na nakasampay.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon