Kabanata LXXXIV

8.2K 669 564
                                    

- ORRYN -

Hindi halos makapaniwala si Orryn na ganoon na lamang kabilis matutunton ng mga kawal ng Emperyo ang mga barko na kanyang pagmamay-ari. Bukod dito ay maging ang barko na kanilang kinalalagyan ay nagsisimula na rin atakihin ng mga kawal ng Cymopoleia dahil sa naging pagsabog sa ilalim na bahagi ng barko. Kaagad niya ipinag-utos kay Namior na tingnan ang bahaging ito ng barko dahil sa pagkakatanda niya ay nandito ang silid na kinalalagyan ng bihag mismo ni Dos. Sa isip niya ay baka isa na ang babaeng 'yon sa mga nagtiktik sa kanila sa mga kawal dahilan para magtungo na ito sa kanyang barko.

Inis naman niyang inilibot ang mga mata sa kapaligiran upang makita ang reyalidad ng sitwasyon na kanilang kinalalagyan. Halos nadedehado na rin ang mga tauhan niya sa iba pang barko na walang habas na pinaghuhuli ng mga kawal ng Cymopoleia. Kalahati pa lang naman ang nadidiskubreng mga barko na pagmamay-ari niya kaya may pag-asa pa silang makalipat sa barko na hindi pa nito napaghihinalaan.

Muling pinasiklab ni Orryn ang kanyang mga kamay ng itim na usok kasabay ng lalong pagpapatingkad ng kanyang mga mata. Kasabay nito ay ang mabilis na pagkalat ng mga anino na mula sa kanyang sariling anino ay gumapang ito tungo sa karagatan hanggang sa paunti-unti itong makabuo ng isang pabilog na barrier na kulay itim. Palakit ito ng palaki na pilit bumabalot sa barkong kanyang sinasakyan ngunit kaagad din natigil ang kaniyang ambisyon ng bigla na lamang may tumama na pana sa kanyang kanang kamay.

"AAAARGH!" Sigaw pa ni Orryn matapos tumagos ang kulay tsokolateng pana sa kanyang kamay.

Dahil dito ay natigil ang paggawa niya ng dambuhalang harang sa palibot ng kanyang barko.

Gigil niyang nilingon ang pinanggalingan nito at ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang daan-daang mga agila sa kalangitan lulan ang mga kawal na nakasuot ng kulay puting armor at winwagayway ang bandila na mayroong simbolo ng araw.

•••••

-ERYX-

Panay ang ilag ni Eryx sa mga panang pilit na pinatitira tungo sa kanyang direksyon. Maging ang mga kawal ng Cymopoleia ay nahihirapang makapunta sa barko na pinanggalingan ng pagsabog dahil tila ba pinoprotektahan ito ng mga sindikato na lulan ng iba pang mga sindikato. Dahil dito ay mas lumakas ang kanyang kutob na ang karamihan sa mga kababaihan na kanilang hinahanap maging ang mga pinuno nito ay lulan ng barkong 'yon.

Naisin niya man na kumuha pa ng mas maraming suporta ay nakalaan na sa iba't ibang gampanin ang mga kawal ng Cymopoleia. Wala na rin iba pang mga tauhan ang maaaring ipatawag dahil masyadong marami ang mga barko na pagmamay-ari ni Orryn. Hindi niya inaasahan na marami pala itong kaanib na mga sindikato sa buong Archelaos.

Ilang sandali lamang ay naramdaman ni Eryx na unti-unti nang bumababa ang karagatan at nagsisimula na itong gumalaw muli. Kaagad niyang nilingon ang gawi ni Prinsipe Adelrick at mukhang nauubusan na rin ito ng kapangyarihan na labis niya namang naiintindihan lalo na at sosobra na halos sa trenta minutos ang ginawa nitong pagpapahinto sa karagatan. Nagsisimula na rin itong tumulong sa pakikipag-laban sa iba pang mga kawal.

Napatiim-bagang na lang tuloy si Eryx kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa tali ng Athenatoi na sinasakyan. Nilingon niya pa ang mga kawal na nakapalibot ss kanya at halatang pinoprotektahan siya. Laking pasasalamat niya lamanang din at marunong ang mga ito gumamit ng kapangyarihan kaya nagagawa rin ng mga ito maging opensa sa pakikipagpatintero sa mga sindikato.

"Ang anim na kawal sa aking kanan ay pumunta sa gawing 'yon!" Utos ni Eryx sa mga kawal na magtungo sa likurang bahagi ng barko. "Kayo naman dito!" Utos niya naman sa kabila na magtungo sa harapan.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon