Kabanata CV

12.4K 814 2K
                                    

- ERYX - 

"Ryx, bakit hindi ka na lang dito sa palasyo magpalipas ng gabi at bukas ka na bumalik sa akademya? Anong oras na rin naman, anak." Malamyos na saad ni Emperatris Hestia kay Eryx na tila ba malayo ang tingin at malalim ang iniisip. Marahan pa nito tinapik ang likuran ng binata wari'y pinagagaan ang loob nito.

Magmula nang makabalik siya sa paglalakbay kaninang umaga ay hindi na niya alintana ang pagod at kaagad na siyang dumiretso sa palasyo upang una ay mabisita ang kanyang ina na mahigit isang linggo rin niyang hindi nakita at ikalawa ay upang makausap ang kanyang ama patungkol sa maaaring banta ng Maura sa emperyo.

Pero halos madilim na at pasado alas-otso na ng gabi ay hindi pa rin nagagawang makita ni Eryx ang kanyang ama pagka't abala raw ito sa pagpupulong kasama ang mga konseho. Ibinilin pa ng mga katuwang nito na kung agarang pagpupulong ang ninanais niya ay maaari raw siyang magpunta muna sa templo upang ilahad ang kanyang mga nais na sabihin.

Naikuyom na lang tuloy ni Eryx ang kanyang kamao dahil kahit ang sarili niyang ama ay hindi na niya halos makita o makausap man lang. Palagi na lang ito nagpapahatid ng mensahe sa kanya o di kaya'y ibang tao pa ang tatanggap ng mga nais niyang sabihin dito mapa-personal man o hindi.

"Hindi na siguro, Ina. Kailangan ko rin dumalo bukas ng umaga sa pagpupulong namin mga nasa ranggo." Kung kanina'y lahis na pagkadismaya ang nararamdaman ni Eryx, ngayon naman ay kalmado na siyang nakatingin sa kanyang ina at mahinahon na itong kinakausap.

Malungkot naman siyang tiningnan ng kanyang ina bago ito muling nagsalita.

"Pagpasensyahan mo na ang iyong ama, Ryx. Baka masyado lang talaga siya abala dahil kaliwa't-kanan na rin ang mga napapabalitang pagkilos sa kaharian ng Maura matapos ng ilang taon nilang pananahimik. Panigurado'y kumikilos na rin ang konseho at ang mga opisyales ng emperyo." Marahang saad naman ng Emperatris na tila ba tinitingnan na lang ang sitwasyon sa isang positibong pananaw kahit pa alam naman nila parehas na halos wala ng oras ang Emperador para lamang personal na makausap ang kanyang pamilya. "Sasamahan na lamang kita sa templo kung kailan mo man maisipang kumonsulta dito." Dagdag saad pa ng Emperatris habang nakatingin na rin ito sa bintana kung saan matatanaw ang hardin na mismong ang ina rin ni Eryx ang nag-aalaga. 

"Pilit ko na lamang iintindihin si ama dahil alam ko naman na may rason siya palagi sa kanyang mga desisyon." Mahinahon na saad ni Eryx kahit pa bakas pa rin sa kanyang mga mata ang panlalamig at kawalan ng amor sa ama. "Hindi na rin ako mananatili dito, Ina. Baka nakaaabala pa ako sa'yo, Ina. Kaya ko rin naman pong pumunta doon kasama ang Maestro." Magalang na tugon naman ni Eryx na kaagad sinagot ng Emperatris ng isang marahang iling.

"Ayos lang ano ka ba. Gusto ko rin kasi marinig ang mga kuwento mo tungkol sa iyong paglalakbay kasama si Eliana." Mistulang napalitan naman ng sigla ang boses ng emperatris dahilan para gulat naman itong lingunin ni Eryx. "Kumusta naman kayo, Ryx? Anu-ano ang mga ginawa niyo?" Marahan pa siyang binangga-bangga ng ina dahilan para bigla naman magbago ang pakiramdam ni Eryx at napalitan na ito ng hiya sa pang-aasar ni 

"I. . .Ina, magkaibigan lang kami ni Eliana at kung ano man ang karaniwang turingan ng isang kaibigan ay gayon din ako sa kanya." Tila ba nahihiya nang pahayag ni Eryx ngunit mas lalo lamang siya tiningnan ng ina na para bang naghihinala ito. 

"Iyon lang? Ano ka ba naman, Ryx, sinayang mo ang pagkakataon. Akala ko pa naman makatatanggap ako ng magandang balita." Pumamyewang pa ang kanyang ina wari'y dismayado pa ito at para bang inaasahan pa nito na marami ngang magaganap sa pagitan nila ni Eliana kahit pa malaki pa rin ang pagkakangisi nito sa mga labi. 

Bigla tuloy pumasok sa isipan ni Eryx ang mga kaganapan noong sila ay nasa paglalakbay at aminado siya na hinding-hindi niya makalilimutan ang lahat ng iyon dahil mas lalo lang siyang nahuhulog kay Eliana. Hindi niya lang talaga kayang ikuwento ito sa iba maski sa kanyang ina dahil pakiramdam niya ay espesyal na pagkakataon na iyon na mas magandang manatili na lang sa pagitan nilang dalawa. 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon