Kabanata CXVIII: Ang Kaharian ng Naia (Unang Bahagi)

9.9K 661 513
                                    

Eliana's

Masakit na masakit ang ulo ko at para bang binibiyak ang loob nito dahil dito. Hindi ko na halos maalala kung paano ako nakarating sa aking silid matapos kong maglasing sa hardin. 

Sinubukan ko namang dahan-dahan umupo mula sa aking pagkakahiga at konting kibot lamang ay dama ko na kaagad ang hilo na halos gusto ko na lang sumuka. Bukod dito ay sumasakit at kumakalam din ang aking sikmura na para bang umaakyat ang asido sa aking tiyan papunta sa aking lalamunan. Gaano ba karami ang nainom ko at ganito na lang kasama ang pakiramdam ko? 

"Gising ka na pala, Prinsesa Eliana. Naghanda ako ng mainit na tsaa para sa'yo," nakangiting pahayag ni Leandra sa akin habang inaabutan ako ng tasa na naglalaman ng kung anong umuusok na likido. 

Sandali ko lang ito tinitigan bago ko itinungo ang aking paningin kay Leandra at nagsalita. 

"Paano ako nakabalik sa silid ko? At. . ." tiningnan ko rin ang damit na suot ko at mas lalo na rin ako nagtaka kung bakit iba na ito sa suot ko kahapon. ". . . sino ang nagpalit ng damit ko?"

"Ako po ang nagpalit ng damit niyo, Prinsesa Eliana. Basang-basa po kasi ito at punong-puno ng suka kaya hindi puwedeng manatiling suot mo pa rin iyon," sandali pa siyang tumigil sa pagsasalita nang may kunin siyang kung anong sobre sa ibabaw ng bed table at inabot sa akin. ". . . sina Prinsipe Eryx at Prinsipe Daewon po ang naghatid sa inyo dito sa iyong silid kahapon. Pinaaabot po pala ni Prinsipe Eryx ang sulat na iyan," mistulang kinikilig pang saad ni Leandra at yumuko na siya sa akin nilang paalam sabay tungo sa banyo upang ihanda ang aking pangligo. 

Kunot-noo at nagtataka ko naman itong binuksan at hindi ko maalala kung bakit si Eryx ang naghatid sa akin sa silid ko. Magkasama ba kami kahapon? Teka, alam kong may kausap ako kahapon habang lasing ako at hindi ko masyado maalala kung sino pero. . . 

Halos napasinghap na lang ako nang mapagtanto ang mga pinaggagagawa at pinagsasabi ko kahapon dahilan para madaliin ko rin ang pagbubukas ng sulat na ibinigay niya. 

Magandang umaga, Eliana, 

Kung nababasa mo ang sulat na ito ay marahil gising ka na at bahagyang nahimasmasan. Ako pala ang naghatid sa iyo kagabi sa iyong silid kaya ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan na pumasok sa iyong silid ng walang iyong pahintulot. Kasama ko naman ang iyong kapatid na si Prinsipe Daewon kaya hindi na rin ako nagtagal matapos masiguro na ikaw ay nahihimbing na at nasa maayos nang kalagayan. 

Nais ko rin ipaalam sa'yo na kung ano man ang nasiwalat mo sa akin kahapon dulot ng iyong kalasingan ay mananatiling sikreto sa pagitan nating dalawa, na dadalhin ko pa ang mga ito hanggang sa aking huling hantungan. Kaya naman kung may bumabagabag pa sa iyong isipan at puso ay maaari mo akong malapitan at handa akong makinig sa ano man ang iyong mga saloobin. Basta ipapangako mo na hindi ka na maglalasing at iinom ng hindi kasama ang iyong mga kapatid pagka't nag-aalala rin ako sa iyong kalagayan. 

Magkita na lamang tayo muli pagkagising mo. Uminom ka ng maraming tubig, magpahinga, at magpahangin upang gumaan ang iyong pakiramdam. Huwag mo rin kalilimutan ang mag-agahan.

Nandito lang ako palagi hanggang dulo, Eliana. 

Ang iyong kaibigan, 
E. Alastair

Halos napalunok na lang ako ng malala dahil sa aking nabasa. Hindi ko alam kung dapat ba akong maginhawaan na si Eryx ang kasama ko kahapon at siya ang nakaalam ng kung ano man mga pinagsasabi ko noong lasing ako o dapat ba akong mag-alala dahil. . . si Eryx ang kasama ko.

Ibinaba ko naman sandali ang sulat sa aking tabi sabay napahilamos na lang ako ng malala sa mukha. Nasapo ko pa ang noo ko gamit ng aking mga kamay sabay pikit upang huminga ng malalim. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi bago pa ako mapunta sa silid na ito. Tanda ko pa ang mga kaganapan sa bahay ni Abe na bahagya ko naman ikinalungkot muli.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon