Kabanata CVII (La Familia Agrigent)

11.5K 799 1.6K
                                    

Eliana's POV 

Ipinagpapasalamat ko na lang na kagabi ay hinayaan muna kaming lahat na makapagpahinga dahilan para magtatakbo na ako kaagad sa luma kong silid na laking-gulat ko pa ay bigla na lang binago at nagmukhang mas sosyal pa sa silid ko sa akademya.

Halos lahat din ng mga gamit ko ay bago at may sarili na rin akong kusina at kainan sa loob maliban sa sandamakmak na mga libro na nandoon ay may mga bago na rin akong damit. Hindi ko alam kung sino ang nagbago ng silid ko o ano ang nakain ni Dareios para baguhin ang silid ko pero laking pasasalamat ko na lang din dahil kahit papaano ay maayos na rin kahit papaano ang tutulugan ko sa mga susunod pang linggo. 

Dahil din kilala ang Cymopoleia sa magagandang mga languyan at syempre ang asul at klaro nitong dagat ay napagdesisyunan namin mamasyal kinabukasan sa isang bahagi ng kaharian kung saan puting-puti ang buhangin at sandamakmak din ang mga puno ng buko sa paligid. Bukod dito ay napakalamig din ng tubig at talagang nakakapawi ng init kapag lumangoy ka. May mga lumalangoy pang mga kakaibang isda dito na makukulay at puwedeng sakyan dahil malalaki talaga sila. Iilan lang din ang tao dito dahil pagmamay-ari raw ito ng mga aristokrata kaya halos puro may-kaya o mayayaman lang din ang pinapayagan pumasok dito.

Masaya na sana ang bakasyon na ito at maituturing ko na sana ito na simula ng pagpapakasarap ko naman sa buhay pero isa lang sa kinaiinis ko ngayon ay dahil pinagpipilitan ng magkakapatid na Agrigent na magpalit ako ng aking damit lalo na ang batong kapatid ko na kanina pa ako sinasamaan ng tingin.

"Magpalit ka ng damit mo. Ngayon na, Eliana." Malamig na utos sa akin ni Caedmon na kaagad hinubad ang suot niyang pang-itaas at inabot ito sa akin para ipang-takip sa aking katawan. 

Kung hindi lang sana niya ako iniinis ay baka pinuri ko na ang katawan niya na hulmadong-hulmado ang mga kalamnan at hindi lang anim ang abs niya kundi walo at halata talagang araw-araw 'to batak sa pageehersisyo lalo na ang mga braso na talaga namang nananapak sa pagiging maskulado. Ganitong katawan 'yong tipo ng mga katulad ni Sereia e.

Imbes na kunin ang nakalahad niyang damit  ay nanatili lang ako sa aking kinatatayuan at nakakrus ang mga braso bilang pagmamatigas. Binato na lang niya tuloy ang damit sa mukha ko dahilan para mas lalo lang din ako manggigil at mapasimangot. Napakaepal talaga ni Caedmon.

"Tsk. Ano bang problema sa suot ko? Hindi ba lalangoy naman tayo? Gusto mo bang nakaball gown pa ako o uniporme." Inis kong saad at pinasadahan ko pa ng tingin ang kabuuan ko para ipakita sa kanya na hindi naman ako nakahubad.

Hindi naman ako naka bra at panty kung tutuusin! Nakafit lang ako na itim na long sleeves at backless na pacrisscross ang likod na malalim ang neckline habang ang pang-ibaba ko naman ay leopard print high-waist shorts na ladder cut-out sa magkabilang gilid. Konserbatibo pa nga 'to kumpara sa iba ko pang dinalang mga damit dito pang-langoy. Kinunsidera ko pa rin naman na konserbatibo pa rin ang emperyong 'to at baka himatayin na sila kapag sinuot ko 'yong iba kong dala na may pagka T-back pa nga. 

"Kung naiinggit ka, marami pa naman ako doon. Pahihiramin naman kita." Inis ko rin na saad at binato ko rin pabalik sa kanya ang damit niya na nasalo naman niya kaagad at binato na naman niya sa akin pabalik saka niya ako pinaningkitan ng mga bato.

"Gusto mo bang pagtinginan ka ng mga kalalakihan dito? Magpalit ka na, Eliana Agrigent." Nagbabanta niya pang saad pero kung mapilit si Caedmon ay matigas naman ang ulo ko.

"Ayoko." Pagmamatigas ko pa at talagang nakipag-tagisan ako ng tingin sa kanya dahil talagang paninindigan ko 'to.

Ano naman masama sa pagsusuot ng damit na bahagyang kita ang balat? Kahit magbikini pa ako dito o kahit walang saplot, na syempre hindi ko naman gagawin, ay karapatan ko rin naman magsuot ng gusto. Kaya lang naman nababastos ang mga babae dahil may mga bastos at manyak pa rin na nabubuhay kahit saang mundo pa ako mapunta. Huwag nga niya isisisi sa babae kapag nabastos kami dahil puwede kami magsuot ng damit na gusto namin nang hindi kami nababastos lalo na kung walang mambabastos!

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon