Kabanata CIV

11.6K 824 1.8K
                                    

- SEREIA - 

Mahigit tatlong araw na ang nakalilipas  nang makabalik sina Sereia mula sa kanilang misyon. Dahil na rin wala pa sina Eryx at Maestro na siyang pagbibigyan nila ng mga ulat na kanilang dala ay bahagyang maluwag ang oras ng dalaga para magkaroon ng ehersisyo man lang sa umaga.

Kasama ang kapatid na si Saena ay tinungo nila ang daan kung saan madalas mag-ensayo ang mga nasa ranggo dahil sa malaking espasyo nito at kumpleto na mga kagamitan. Nais kasi magpaturo ni Saena kung paano gumamit ng espada na matagal na rin naman ipinangako ni Sereia sa kanya kaya ngayong wala pa siya masyadong gagawin ay sinamantala na niya.

Sakto naman na pagpasok nila sa loob ay hindi nila inaasahan na maaabutan nila si Zephyr sa loob na nag-eensayo gamit ang kapangyarihan nito na kahit hindi halos nakikita ng mga mata ni Sereia ay tila ba may puwersa pa rin ng hangin sa paligid na bigla na lang tatama kung saan at magkakaroon ng marka o hiwa dito bagay na ngayon lamang din nakita ni Sereia na kakayahan ni Zephyr.

"Ang galing naman ni Prinsipe Zephyr, mukhang may pinaghahandaan. . ." Tila ba makahulugang pahayag ni Saena na dire-diretso lang pumasok na para bang walang tao sa loob.

"Saena. . ." Pagtawag pa sa kanya ng kanyang ate na tila ba nagbabanta ito na huwag magsasalita ng kung anu-ano.

Pero imbes na masindak ay nagkibit balikat lang sa kanya si Saena at nagpatuloy na sa paglalakad nang mapansin naman sila ni Zephyr.

"Kayo pala 'yan, Sereia at Prinsesa Saena. Magandang umaga." Hinihingal na bati naman nito sa kanilang dalawa habang nagpupunas ng pawis sa mukha at leeg.

Sabay naman na yumuko sa kanya ang dalawang prinsesa bilang paggalang at hindi pa man nakakaayos ng tayo si Sereia ay muli na naman nagsalita ang kanyang kapatid.

"Natutulog ka pa ba, Prinsipe Zephyr? Bakit naman po mukhang pagod na pagod ka?" Prangkang tanong pa ng dalaga dahilan para marahan na lamang siya sikuhin ni Sereia upang sitahin.

Tiningnan naman niya kaagad ang reaksyon ni Zephyr ngunit kalmado lamang ang ekspresyon nito o mas tamang sabihin na nananatili pa rin siyang walang ekspresyon.

"Halata na ba masyado?" Marahan pang napakusot si Zephyr sa kanyang mga mata bago sumagot. "Ilang araw na rin ako wala halos tulog dahil pabalik-balik ako sa akademya at sa kaharian ko. Marami nang kailangan asikasuhin ngayon."

Sandali naman napatitig si Sereia sa mukha nito dulot na rin ng kuryosidad at tila ba kapansin-pansin nga ang pagod sa mga mata nito at halata na rin na nabawasan ng timbang si Zephyr at mas maging maputla ang kulay.

"Ah talaga po? Tulad naman ng ano?" Pakikiusyoso pa ni Saena dahilan para kaagad na siyang hilahin ni Sereia tungo sa kung nasaan ang mga espada at iba pang sandata.

"Saena, halika na at mag-ensayo na tayo."

"Sayang naman, Ate!" Reklamo pa ni Saena at napanguso na lamang ito habang panay ang lingon sa gawi ni Zephyr na nagpatuloy na lamang  sa pagpupunas ng pawis.  "Nag-uusap pa kami ni Prinsipe Zephyr. Bakit ba ayaw mong kausapin ko si Prinsipe Zephyr, Ate?"

"Baka kung ano pa ang masabi mo, Saena, tumigil ka na." Malamig na sita sa kanya ni Sereia sa pinakamahinang boses na maaari niyang gamitin sa pakikipag-usap.

Lumapit naman sa kanya si Saena at pabulong din na sumagot.

"Pero hindi naman siya mukhang galit, Ate. Kung tutuusin ay mas lamang ang takot at lungkot kay Prinsipe Zephyr." Saad pa ni Saena sabay lumayo na ito sa kanya at pasalampak na naupo sa isang kahoy na upuan sa tabi ng lamesa ng mga espada. "Dahil kaya ito doon sa nangyari noong nakaraan?" Napapaisip pang saad ni Saena dahilan para matigilan naman si Sereia.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon