Chapter 29

55.6K 2.3K 183
                                    

Chapter 29

THIRD PERSON's POV:

“She's mine,” seryosong sambit ng binatang si Vaughn sa seryoso rin na si Clinton.

“Pfft, at sino naman ang nagsabing aagawin ko siya sayo?” natatawang tanong ni Clinton na ikinakunot noo ni Vaughn. “Yeah, I like her. I mean I like her childish behavior, her cuteness, her kindness, adorable, lovely, caring.... in short I like her as a lil sister.”

“Your reason's still not enough for me to convince that you like her not as a lover,”

Napatango tango naman si Clinton, “Mm. Well it's up to you,” matipid na nakangiting aniya. Pero sumeryoso din siya pagkatapos, “But seriously, ang tulad ni Sue ay madali lang magustuhan.... o mahalin. Kaya hindi mo masisisi ako o ang iba na magkagusto sa kaniya.”

*death glare*

“Fuck you Clinton,”

Sa gitna ng pagtititigan ng dalawang binata ay may bumalik.

“Hunterrr!” mabilis silang tatlong nag iba ng ekspresyon at pwesto.

Agad na tumalikod si Vaughn habang hawak at niluluwagan ng konti ang necktie, si Clinton ay nag iwas din ng tingin, samantalang si Hunter naman ay malawak ang ngiting sinalubong ang dalaga.

Dahil halos 2 pm na ng hapon ay wala nang ibang tao o empleyado ang kumakain sa cafeteria. Oras na kasi ng trabaho.

“Bakit Sue?”

“Naiwan ko kasi yung cellphone ko hehehe,” tugon ng dalaga habang inililibot ang tingin sa table nila.

“Ah, san mo ba naiwan? Baka naman nahulog mo?” tanong ni Hunter habang nagkakamot ng batok at tinutulungan si Sue sa paghahanap.

“Dito lang... kulay blue yun tapos may design na stitch tapos—”

“You're holding it Hunter,” aniya naman ni Clinton na itinuro ang kamay ni Hunter na ginagamit pangkamot sa batok.

“Ah! Hahaha eto pala,” aabutin na sana ni Sue ang kaniyang cellphone ay agad naman itong inilayo ni Hunter.

Naalala niya kasi na ito ang gamit niya kanina pang record ng video.

“Huh?” tanong ni Sue at nang subukan niya uling kunin ay inilayo muli ito ni Hunter. “Ano bang problema hunter? Kailangan ko na yan,”

“Ano kasi....” nilingon niya si Clinton at makahulugang tiningnan.

Binuka naman ni Clinton ang kaniyang bibig at nakakuniot noong tinanong si Hunter ng ‘You record it?!’ ng walang boses.

Inilipat niya ang tingin kay Vaughn pero agad niya din itong iniwas dahil sobrang sama din ng tingin sa kaniya ng kaniyang boss.

Galit din si Vaughn dahil nagmura siya kanina at ni-videohan pa. Ang mas masaklap pa ay ang cellphone pa ng kaniyang asawa ang ginamit. Alam niya kasi na kapag napanood iyon ni Sue ay magtatampo sa kaniya ito.

“Ano? Akin na—” hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita niya si Vaughn. “Oh Von, ba't ka nandito? Diba dapat nasa office ka?” tanong niya.

Umayos naman ng tayo si Vaughn at tuluyan nang niluwagan ng todo ang suot na necktie, kabado.

“M-May dinaanan lang. Let's go, i check mo yung schedule ko kung may—”

“Pero yung cellphone ko,” nakasimangot namang sabi ni Sue habang nakaturo sa hawak ni Hunter.

“I'll buy you a new one, wife. Forget that,” sabi naman ni Vaughn tsaka inakbayan at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa pagkatapos ay tinulak na papalayo.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon