Chapter 67: Epilogue

51.4K 1.6K 276
                                    

"Ang tagal naman niya dumating. Sabi niya magpapaturo siya mag bike. Hmp! Kapag di siya dumating after 1 minutes di ko na siya tuturuan. "

*5 minutes later*

"Sorry ngayon lang! "

"H-huh?"

"Pfft. You okay? "

"Oh andyan ka na pala. Kumusta biyahe? Bakit ang tagal mo? Tamo nakatulog na ako kakahintay sayo. Hayss"

"My bad. Promise bukas aagahan ko na. "

"Hmp. Dapat lang. At dahil first day ng tutorial natin ngayon bibigyan moako ng tatlong lollipop. "

"Yeah. But we don't have candies sa bahay chocolates lang."

"Hmm. Mas better. Sige, start na tayo! "

"Okay! Pero talaga bang tuturuan mo ako?"

"Oo nga. Bakit? May problema ba?"

"Ang liit mo kasi. Baka di mo abot yung tapakan. "

"Sige, sayo na yang chocolates mo. Nag bago na isip ko. Babye! "

"No wait! I'm just kidding. Sorry. Please don't leave. "

*weeks later*

"Wow. Galing mo nang mag bike! Pwede ka na sumali sa competions "

"It's competition not competion. "

"Ah. Sorry hehehe. Hm? Ano yang kanina pang hawak mo? "

"A camera. My father gave it to me kanina. Wanna try? "

"Sige sige! Pakita din natin yung mga bike natin sa likod. "

"Sige. Here. "

"Okay, ready na. Pindutin mo na. Smile ka rin Von. "

"Yeah. Okay, ready. 1. 2. 3! "

*click*

---

"Pagod ka na ba? " tanong ko kay Von.

Kumunot naman ang noo niya, "No. And I should be the one asking you that question, hon. Are you tired? Malayo pa ba yung bahay niyo? We must have just used my car-"

"Malapit na Von. Malapit na. Ayun nalang oh. Nakikita mo ba yung pulang gate na yun? " sabay turo ko doon.

Tumango naman siya, "Yeah. That's your old house? "

"Hindi. Lalagpasan pa yung dalawang gate pagkatapos nun. " sabi ko na mas ikina-arko ng kilay niya. Galit ba siya? Bakit?

Hawak ni Vaughn ang kamay ko habang buhat niya si Eren. Naglalakad kami ngayon sa tabi ng kalsada.

Sinabi ko kasi kanina pagkatapos naming kumain na pupunta ako sa lumang bahay namin rito. Pumayag sila mommy tapos sinabing wag daw kaming magpapagabi. Christmas eve na kasi mamaya.

"Eh kanino pong bahay yung dun sa gate po na pula? "

"Kakilala ko 'nak. Mabait yun, baka nga bigyan ka nun ng chocolate eh. Sana ako din. "

Nakita kong umirap si Von pero hindi ko nalang siya pinansin. Bahala siya jan.

Nang nasa tapat na kami ng gate ay sumigaw na ako.

"Auntie Rose! Auntie! " sigaw ko mula rito.

"Hon, you don't need to shout. May doorbell naman oh. " sabi ni Von na pinindot yung doorbell na nasa pader. Ay oo nga noh.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon