Chapter 56

39.1K 1.6K 233
                                    

Chapter 56

Buong laro hindi sumali si Clinton at nanood lang sa mga kasamang nag lalaro ng basketball kasama ang dalawang bata. Wala siyang gana makipag laro at hindi rin naman siya mahilig makipaglaro sa mga bata. Pati si Finn hindi rin sumali at piniling magbasa na lamang ng libro na dala ni Clover habang nakahiga sa bleachers.

Masaya naman sila Eren at Carl dahil nakalaro nila sila Hunter. Magkasama sila Eren, Hunter at Vaughn. Samantalang ang kanilang kalaban ay sila Carl, Josh at Clover. Sa huli nanalo ang grupo ni Eren.

Matapos nilang maglaro nagpahinga na muna sila sa bleachers bago umuwi.

Napalingon si Vaughn kay Eren dahil hinihila nito ang laylayan ng kaniyang polo. “Why?”

“Sabi po ni mommy pag hindi pa siya nakakauwi sunduin daw natin siya kina tita Akari.” aniya.

Tiningnan naman ni Vaughn ang kaniyang wrist watch upang alamin kung anong oras na. 5:45 pm. Tinext niya ang isa sa kaniyang mga maids sa mansion kung nakauwi na ba ang asawa. Sinagot namansiya na hindi pa.

“Susunduin natin siya. Here, drink this.” sabay abot niya ng bottled water kay Eren. Tinanggap naman ito ng bata ngunit ang problema lang ay hindi niya ito mabuksan. Napansin agad yun ni Vaughn. Binuhat niya si Eren at pinaupo sa kaniyang hita pagkatapos ay siya nang nagbukas ng bote.

Tatlong minuto ang lumipas matapos makainom ng bata ay nakatulog na ito habang kandong ni Vaughn. Kahit si Carl na nakaunan rin sa hita ng kaniyang tiyo ay naka idlip na rin. Napagod.

“We're going to fetch Sue on Akari's place.”

“Oo nga pala boss. Di ba umalis ngayon si miss Sue dahil niyaya siya ni Natalia?” Finn

“Yeah. And I'm going to find out kung sinong kaibigan niya ang tinutukoy niya.”

“Hindi kaya si miss Akari?” tanong naman ni Hunter. Nang marinig ni Clinton yun ay napadilat siya at napalingon sa kanila. Si Akari?

“Malalaman ko rin.” binuhat na niya si Eren at dinala sa kotse. Inihiga niya sa backseat. “I'm leaving.”

Nakarating ng sakto sa oras si Vaughn kasama si Eren sa bahay ni Akari. Binuhat niya ang tulog na si Eren dahil ayaw naman niya itong iwan sa kotse mag isa. Paglabas niya ng kotse nakita niyang may kasunod pala siyang dalawa pang kotse. Sila Hunter at Clinton.

“What are you doing here?” tanong niya sa dalawa.

“Akari left her phone on my house ibabalik ko lang.” sagot ni Clinton sabay pakita sa dala niyang cellphone.

“Gusto ko lang bumisita besides first time ko lang na makarating rito.” kibit balikat namang sagot rin ni Hunter.

Hindi sila pinansin ni Vaughn at pinindot na ang doorbell. Tatlong beses bago nila narinig ang paparating na yapak ng mga paa na palapit sa gate.

Umarko ang kilay ng tatlo ng makarinig ng boses lalake.

“Ako na ang magbubukas ng gate gisingin mo nalang yung tatlo dahil nakapagluto na ako.”

Bumukas na ang pinto at bumungad sa harap nila Vaughn ang lalakeng maputi, matangkad, at singkit. Nakasuot ng cute na animal pajama at may suot pang apron.

“Yes? Sino sila?” tanong ng nakangiting singkit na ito. Napalingon siya sa batang buhat ni Vaughn na nagising at nagkukusot ng nga mata. “Woah! K-kawaii!” sambit niya na hindi pinansin ang nakakatakot na mga tingin sa kaniya ng dalawang binatang nasa harap niya ngayon.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon