Chapter 64

36.2K 1.5K 68
                                    

Chapter 64

“Eat more kiddo. ” sabi ni Vaughn na dinagdagan ang pagkain ng bata dahil kaunti lang ang sinandok nito. Nahihiya kasi.

“Tama ang daddy mo. ” sabi rin ni Sue na malalaki ang subo habang kumakain. Nakarami na rin ito ng kinain. “Nasaan si Clinton? ” tanong niya.

“May tumawag sa telepono niya kaya sinagot niya at lumabas. ” sagot ni Max.

“Eto Eren oh. Kain ng kain. ” aniya ni Sue habang nilalagy sa plato ni Eren ang carrots. Ang totoo niyan ay ayaw niya rito dahil masama daw ang lasa kaya inililipat niya nalang sa plato ni Eren dahil sayang naman daw. “Hehehe. Mm! ” at sumubo nang muli.

Kumaikain na ang bata at pinapanood ang magulang na kung ano ano ang inilalagay sa plato niya. Hindi na siya nagreklamo dahil hindi naman siya mapili sa pagkain. Atsaka nagugutom rin ito. Mga meryenda lang kasi ang nakain niya kanina pagdating sa mansyon. Mga matatamis ang ibinigay ng kaniyang lolo sa kaniya.

“Hon, do you not like carrots? ” tanong ni Vaughn nang mapansin na talagang pinipili ni Sue ang carrots at inilalagay niya sa pagkain ni Eren kung hindi naman ay kay Vaughn. Pinagigitnaan ng dalawa ang bata sa kabilang tabi naman ni Vaughn nakaupo si Max tapos si Kenneth, si Josh at Finn. Sa kaharap nila nakaupo ang iba. Walang nakaupo sa tapat ni Sue na bakante para kay Clinton, sa tabi nito si Akari, tapos si Navi, si Reese, si Lorcan, si Hunter, at si Clover. Nasa dulong upuan ang matanda na lolo ni Sue.

“O-oo.” sagot nalang niya at itinuloy na ang pagkain.

Nakabalik na si Clinton. Umupo na siya sa tabi ni Akari na abala na rin sa pagkain.

Napangiti si Clinton makitang lumulobo ang pisngi ng girlfriend sa twing susubo ito.

“Bakit ka nakatingin? May dumi ba sa mukha ko? ” tanong ni Akari habang may nginunguya pa.

Bahagyang natawa si Clinton dahil ang cute daw ng girlfriend niya. Umiling siya, “No. Nothing. Eat well. ” nag simula na siyang sumandok at kumain. Nililingon niya ang katabi at kapag nakikitang malapit nang maubos ang pagkain nito ay sasadok siya at siyang maglalagay sa plato nito. Hindi naman tumututol ang babae at hinahayaan nalang ang lalake.

Samantalang nagtatawanan naman ang ibang binata sa dulo habang nagkwekwentuhan at nag aasaran. Sinusuway sila ni Max pero tatawa lang sila kapag mag bibiruan ang iba ay natatawa nalang siya at hinahayaan sila.

Hindi mapigilan mapangiti ng matanda sa nakikita. Parang mas mabubusog pa daw siya kapag pinapanood ang mga apo nito.

“Clinton apo. Is she your girlfriend? ” di niya mapigilang tanong, tinutukoy si Akari.

Ngumiti si Clinton, “Yes, grandpa.” proud na sagot niya na inakbayan pa ang babae.

Napahinto sa pagkain si Akari at napatakip sa ilong. Nilingon niya ang katabi at itinulak ang braso nitong nakaakbay sa kaniya. “Wag ka ngang lumapit. Ang baho mo” reklamo niya.

Napakunot ng noo si Clinton sa sinabi ng dalaga. “Mabaho? Me? I'm not! ” sabi niya na inamoy pa ang sarili. Wala namang mabaho sa kaniya. Ang bango nga daw niya kaya paano niya nasabing mabaho siya?

“Ang baho kaya. Wag kang lalapit saakin. ”sabi niya. Sinabi niya kay Navi na makipag palit siya ng pwesto. Nagtataka man ay pumayag nalang si Navi.

“What's wrong? Mabaho si Clinton? Hahaha” natatawang sabi ng matanda.

“But I'm really not. Maybe there's something wrong with her sense. ” sabi ni Clinton.

Lumapit si Navi at inamoy ang lalake. “Hindi ka naman mabaho. Ang bango mo nga eh. Baka iba lang ang naamoy niya. Pagpasensyahan mo na. ” komento nito na sinimulan na ang pagkain.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon