Chapter 18

66.1K 2.6K 449
                                    

Chapter 18: LOVE LETTER NI MARENG SUE💌

THIRD PERSON's POV:

Paggising ng binatang si Vaughn ay umarko na ang kaniyang kilay nang mamalayang unan na pala ang yakap niya. Kinapa niya ang tabi ngunit wala nang ibang nakahiga run kundi siya na lamang.

Kaya naman dumilat na siya at inilibot ang paningin sa buong silid. Wala na siya...



"Yaya!" sigaw niya. Pumasok naman agad ang isa sa mga katulong.



"Where's Sue?" walang ganang tanong niya habang bumabangon sa kama.


"Umalis na po siya, mr. Vaughn. Binilinan niya po kaming wag daw muna kayong gisingin." tugon niya habang nakayuko bilang paggalang sa kaniyang amo.


"Mm. You may leave."

Lumingon siya sa kaniyang orasan na nakapatong sa kaniyang bedside table upang malaman sana kung anong oras pero napahinto siya nang makakita ng sulat na napapatungan nito.


Napangiti siya nang malamang sulat kamay ito ng dalaga. Napakalinis, maayos at maganda ang pagkakasulat. Binasa niya ito...


Dear Vaughn,

Sorry kung umalis ako ng hindi ka na ginising. Alam ko kasing puyat ka. Alam mo bang hirap na hirap pa ako kanina habang nag iingat na tanggalin yung nakapatong na braso at binti mo saakin?? Ang hirap kumalas sayo, hmp!


Natawa ang binata dahil pansin niya talaga ang tampo ng dalaga dahil halos mabutas yung papel sa ginawa niyang tuldok.



Buti na nga lang at nakawala ako. Pagkatapos na naligo ako, tapos nag toothbrush, tapos nag bihis, tapos.... nagluto ako ng agahan mo Vaughn. Hehehe... Ubusin mo yun ah. Tapos hanapin mo yung nilagay kong pag mamahal. Tss. Hindi ko sasabihin sayo na wala kang mahahanap diyan. Magpakahirap kang maghanap! Hmp! Kung wala kang mahahanap.... Aba problema mo na yun nuh!



Napairap siya at natatawang itinuloy ang pagbabasa sa nakakalibang na basahin na sulat ni Sue.


Tapos pagkatapos kong nagluto binalikan kita. May nakalimutan kasi ako eh. Alam mo Vaughn? Nung ni-kiss mo ako? Nalaman ko na mas matamis yung lips mo kesa sa lollipop. Kaya ni-kiss kita.



Saglit na napahinto sa pagbabasa si Vaughn sa nabasa.


Bigla siyang nakaramdam ng pag iinit sa pisngi at pagbilis ng pintig ng kaniya puso. Tinatanong sa sariling isip na, ginawa talaga niya yun?? Hindi siya makapaniwala. Pero habang binabasa ito mas lalo siyang nakakaramdam ng kilig.


Umirap uli siya dahil sa iniisip. Ano na daw ba kasing nangyayari sa kaniya??


Muli niyang ibinalik ang pagbabasa habang pinipigilan ang sariling ngumiti ng todo. At matawa nang itinuloy ang pagbabasa.


Pero syempre secret lang. Baka kasi pag sinabi ko sayo pagalitan mo lang ako. Pagkatapos nun ay isinulat ko na itong sulat! Tapos umalis na ako. Nag babye pa ako sayo kaso di ka sumagot kasi tulog ka. Sayang. Magpapahatid nga pala ako kay Hunter ah. Isa pa palang dahilan kaya hindi kita ginising kasi trip ko. JOKE. Hindi kita ginising kasi alam kong puyat at pagod ka. Pahinga ka ah! Kita uli tayo Vaughn. Pero sana bukas makita uli kita. Nakalimutan kong kunin sayo number mo:( Text text sana tayo. Kaya next time kukunin ko na! Babye na Vaughn. Malelate na ako sa school. Last day pa naman ng exam namin ngayon. Sana mabasa mo ito. I LOVE YOU

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon