Chapter 25

61.4K 2.3K 561
                                    

Chapter 25

Sue's Pov:

Pagdating namin sa labas ng company building ay naabutan pa namin ni Clinton si miss Patricia habang palingon lingon sa labas.

"Sue, where are they?" tanong sa akin ni Clinton na inilibot din ang paningin sa paradahan. Napahagikgik naman ako.

"Shh. Nasa restaurant na sila. Tara, ituturo ko kung saan hihihi." bulong ko sa kaniya, tinawanan naman niya ako tsaka inirapan.

"Let's go." sabi niya kaya naman tumango ako at sumunod sa kaniya.

"Hey!" napalingon naman ako kay Patricia na dadaanan na namin nang sumigaw ito.

"Sue, don't mind her. Let's go." sabi naman ni kuya Clinton na hinawakan pa ang kamay ko tsaka hinila palayo roon.

Narinig ko namang nagsisisigaw si Patricia pero hindi ko na naintindihan dahil halos nakalayo na kami.

Naglakad nalang kami papunta sa restaurant, tutal malapit lang naman.

"Kuya Clinton, bakit ganun si miss Patricia? Ang suplada niya." nakasimangot kong tanong.

Ginulo naman niya ang aking buhok. "Actually, she's my sister. I mean, halfsister."

"Talaga?? Wow," nasabi ko nalang habang diretsong nakatingin sa daan.

"Eh, whole sister meron ka?" tanong ko uli. Natawa naman siya at hindi ko alam kung bakit. Anong nakakatawa sa tanong ko? Loko talaga 'tong si Clinton. Hayss

"Mm! Meron. I have a younger sister. Actually we're twins. Well, that's what my daddy said."

"Ganon? Eh, nasan na siya ngayon? Gusto ko siyang makilala hihihi. Para naman maging best friends kami."

"She's...." bigla namang nalungkot ang mukha niya. "I- I don't know. Ni pangalan niya hindi ko alam. But I'm still hoping na sana balang araw makita ko siya at makasama. Buong buhay ko mang hindi siya nakasama, mahal ko siya. I love my sister." pagkatapos ay mapait siyang ngumiti.

"*sniff* Grabe, sana nga magkita na kayo ng sister mo. Huhuhu" malungkot kong sabi. Huhuhu sana nga mahanap na niya yung sister niya. Pinunasan ko ang aking sipon at ngumiti sa kaniya, "Pag nagkita na kayo, pakilala mo siya sa akin ha. Para maging bestfriends kami hihihi."

Ngumiti naman siya atsaka ginulo muli ang akong buhok. Sa totoo lang, gustong gusto kong ginagawa nila yun saakin. Hihihi

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa restaurant kung saan na roon sila Von.

Agad akong lumapit sa pwesto nila Von. Tumayo naman siya niyakap ako sa bewang bago hinalikan sa pisngi. Pero hindi ko siya pinansin dahil mas naagaw ang atensyon ko sa mga pagkaing nakahain sa lamesa."Wow! Ang dami naman nito Von."

Umirap naman siya nang lingunin ako na abala sa pag iikot ng tingin sa buong handa. "Really? Pero mukhang sakto lang naman sa ating ito."

Nag urong siya ng upuan ko kaya agad akong umupo, bago siya umupo sa tabi ko. "Woah! Ang babango! Hihihi. SALAMAT SA PAGKAIN!" masaya kong sigaw bago magsimulang maghain ng pagkain sa plato ko. Plato ko na uunahin ko bago yung kay Von para hindi na kami magshare sa iisang plato. Hehehe

Pero nang matapos akong maghain sa aking plato at kukunin ko na sana ang plato ni Von ay inilayo naman niya ito nang abutin ko.

"Oh? Ayaw mo kumain?" nakakunot noong tanong ko pero umiling siya.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon