Chapter 13

70.5K 3.4K 339
                                    

Chapter 13: Behringers Residents: Vaughn's parents place

SUE's POV:

"Ah hehehe~Ang tagal mo kasi Von eh. Kaya... ahm.... humiram ako." bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Kaya naman napatingin rin ako roon.

O__O

>>__<<

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumalikod. Ahy, hala! Wala nga pala akong suot na bra!

Teka... sabi niya pj's? Ibig sabihin??



"Von, matutulog tayo dito??" tanong ko na nilingon siya. Pero mabilis naman din akong tumalikod uli nang makitang nakatingin padin siya saakin. "H-hindi tayo babalik sa bahay mo Von?"



"Pfft. Mm. Yeah, we're going to stay here tonight. Bukas ng umaga tayo babalik. Here, wear this." natatawa niyang sambit.



Pero alam niyo? Ngayon ko lang nakitang tumawa at ngumiti ng ganyan si Von maghapon. Aaminin ko.... napakagandang pagmasdan. Ang pogi niya lalo.



Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. Pero napatungo din agad nang makitang sinamaan niya na ako ng tingin. May mood swings ba ngayon si Von? Huhuhu pero diba mga babae lang meron nun?


Nakatungo ako habang pinagmamasdan ang maputi at maliit kong paa na pinagdikit at pinagpantay ko. Habang yung mga kamay ko ay magkahawak sa likuran ko.



Iniaangat ko yung isang kamay ko habang nakatungo padin. "Amina..."


Narinig ko naman ang paglakad niya papalapit. Hanggang sa makita ko na yung dalawang magkapares na itim na sapatos sa harapan ko. Pero hindi padin niya inaabot saakin yung pj's.



Inangat ko ang tingin sakaniya at sinamaan siya ng tingin. Masama rin ang tingin niya pero mabilis din nagbago at bigla bigla nalang siyang tumawa. Sira...


"Ano tinatawa tawa mo?" galit na tanong ko. "Amina sabi yung dala mo eh. Wala pa naman akong panloob. *pout* Amina!" parang bata kong sabi habang nakalahad padin yung kamay ko, hinihintay na ibigay niya na para makapag palit ako.

O__O

Mabilis kong itinaas yung lumaylay na tshirt ko sa kanang balikat. Pero pag angat ko lumaylay naman sa kabila. Peste, ang laki naman kasi talaga!



"*pout* Ibigay mo na kasi Von! Baka mamaya mahubaran na ako dito sa tshirt mo." nagmamaka awa kong ani.


"Pfft. Sino ba kasing nagsabi na magsuot ka ng damit ko?"


"Eh sa antagal mo dumating! Nilalamig na ako kanina habang nakatapis lang ng twala!" balik na sigaw ko. Pero tinawanan niya lang ako. "Wag na nga! Tch. Ganito nalang ako. Tara na dun baka hinihintay na tayo ng parents mo." sabi ko na akmang lalagpasan siya nang hawakan niya ako sa kaliwang braso.


"Who told you to go outside na ganyan lang ang suot? You're not wearing a bra, woman. Tss. Hindi pa ako sigurado kung nakaalis na yung gago." sinamaan ko uli siya ng tingin. "What?" inosente kunwari niyang tanong.


"Di ba sinabi ko nang bawal ang badwords, Von?" Taas kilay kong tanong.


"At sino ka para pagbawalan ako, babae?" Taas kilay niya din tanong.


The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon