Chapter 33

51.8K 2.1K 144
                                    

Chapter 33

THIRD PERSON's POV:

Pag uwi ay hindi na nagawang makapagpalit ng suot ni Sue dahil tulog na ito. Samantalang si Vaughn naman ay nag halfbath pagkalapag niya kay Sue sa kama nila.

Pagkatapos niyang mag halfbath at makapag palit ng suot ay pinuntahan naman niya ang asawa.

"Sue, get up and change your clothes." pero hindi sumagot ang dalaga sa halip ay gumalaw lamang at mahimbing parin ang tulog.

Napabuntong hininga na lamang si Vaughn atsaka tinawag si Manang na isa sa kaniyang mga kasamabahay.

"Ano ba ang kailangan kong gawin sa kaniya para magising siya?" inilapat niya ang kaniyang palad sa noo ni Sue. "F*ck! She's burning!"

"Hay. Sandali lamang at kukuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo." sambit ng matanda na napairap pa, ginising ba naman kasi ng hating gabi.

"Yeah right."

"Ikaw naman palitan mo ng suot yang asawa mo. Hindi naman yan maaaring matulog ng naka bistida. Hinaan mo din ang aircon, para di lamigin si madame Sue."

"Oo na. Kumuha ka nalang ng tubig dahil baka lumala yung lagnat niya!"

"Oo na! Wag ka ding oa iho lagnat lang yan." pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto para magpainit ng tubig at kumuha ng bimpo.

Samantalang si Vaughn ay sinimulan nang palitan ng suot ang dalaga.

Ibinababa pa lamang niya ang zipper ng suot ni Sue ay, "D*mmit!" pinagpapawisan na rin siya dahil pakiramdam niya napakainit.

"Von, gusto mo tulungan kita?" inaantok na tanong ni Sue na nagising mula sa pagkakatulog.

"H-huh?" napaatras naman siya ng kaunti nang magsarili na si Sue at siya nang naghubad ng tuluyan sa suot.

Namula naman si Vaughn nang makitang panloob na lamang ang suot ni Sue.

"Von.... nilalamig na ako," nakasimangot na sambit ng dalaga.

Nabalik naman sa ulirat ang binata,"Oh, yeah. Sorry, wife. Here, wear this."

Kinuha naman agad ng dalagang si Sue ang inabot ni Von. Tamad na tamad siyang nag bihis na halos ayaw nang gumalaw ng kaniyang mga braso.

"Von... tulong," aniya dahil hindi niya na maisuot sa kaniyang kabilang braso ang manggas ng suot. Natatakpan din ang kaniyang mukha.

"Pfft. Let me wife," natatawa namang sabi ni Vaughn dahil sa itsura ni Sue.

Nang matapos niyang magbihis ay humiga na siyang muli at ipinikit muli ang kaniyang mga mata. "Salamat, hubby." huling sabi niya bago siya tuluyang makatulog muli.

Napangiti naman si Vaughn nang marinig ang sinabi si Sue. Hinalikan niya ito sa noo pagkatapos ay inayos at itinaas ang kumot ni Sue para hindi siya lamigin.

Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwal nito si Manang na may dalang maliit na palanggana na may maligamgam na tubig at nakababad na bimpo.

"Oh heto na. Etong bimpo pigaan mo ng mabuti pagkatapos ay ipunas mo sa kaniyang noo sa leeg at sa mga braso niya, okay?"

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon