Chapter 14

70.7K 2.9K 375
                                    

Chaptee 14: Cute.... inosent

SUE's POV:

Katatapos lang namin nila Von manuod ng movie sa theatre room ng mansion nila kasama ang parents niya. Halos umidlip nga lang ako buong oras eh. Hehehe... nakakapagod din kayang makipag kwentuhan sa kanila mommy Venice. Pero masaya hihihi


Pagkagising ko sakto namang natapos yung huling palabas. Kaya napagdesisyunan na naming matulog na. At dahil hindi ko naman alam kung saan ako matutulog ay kay mommy Venice ako lumapit.


"Oh, iha why?" malambing na tanong ni mommy Venice. Ang sarap sa feeling....

"Matutulog na po ako... San po yung guest room dito?" inaantok na tanong ko habang kinukusot ang mata ko.

"Who told you na sa guest room ka matutulog?" rinig kong tanong ni Von. Nakahawak lang ako sa laylayan ng manggas ng pantulog ni mommy Venice.

Nilingon ko si Von na halos nakapikit na. Nabitin ako sa tulog kanina... Inaantok na ako. "So san mo ko gusong patulugin? Sa sala?" nilingon ko yung sala. "Sige ok lang. Mukang makakatulog naman ako ng maayos sa sofa dahil malaki ito. Good night, mama. Good night po lola. Good night din po.." humikab pa muna ako bago ituloy yung sinasabi. Napansin ko namang hinihintay ni Daddy Martin yung sasabihin ko.

Kanina ko pa kasi siya iniiwasang makausap dahil hindi ko alam ang itatawag sakaniya. Kaya naman dahil mama ang tawag ko kay mommy Venice, eh hindi naman siguro masama kung ang itatawag ko din sa kaniya ay, "...papa," matamis ang ngiting pagpapatuloy ko. Nakita ko namang nagningning ang mata ni Daddy Martin at sinuklian niya ako ng sinserong ngiti.


"Sige, maiwan na namin kayo mga apo. Salamat sa araw na ito. Nag enjoy kaming kasama ka iha." ngumiti naman ako ng matamis nang sabihin yun ni lola. Tumalikod na sila at nagsimula nang maglakad paakyat sa kani kanilang kwarto.

Kahit po ako masaya, na kahit po papano naramdaman ko uli yung pakiramdam na may mga magulang.

*yawwwwwwwn*

"Good night Von." matamlay kong sabi tsaka nagsimula nang maglakad palapit sa sala, nang pigilan niya ako. "Pagod at inaantok na ako Von. Gusto ko na matulog." nakanguso at pagmamaktol ko.

"You serious?! Talagang sa sala ka matutulog??"

"Eh, sa ayaw mo kong patulogin sa guest room niyo. Edi sa sala nalang."

"You're unbelievable!" iirap irap niyang sabi.

"Ayaw mo padin? Oh sige sa kusina nalang." ayaw niya ako sa sala matulog. Edi sa kusina! Hindi naman niya sinabing gusto niya ring matulog sa sala, eh hindi ko naman siya kokontrahin dahil bahay naman nila ito. Tss. Eto talagang si Von, patawa!

Nagulat na lamang ako nang bigla akong buhatin ni Von ng buhat pangkasal. "Oy, san mo ako dadalhin??"

"Sa kwarto ko."

"Bakit??"

"Anong bakit? Edi dun ka matutulog katabi ko."


"Eh diba bawal?"



"Who told you?" taas kilay niyang tanong.


"Ikaw! Sabi mo dati na hindi pa tayo pweding matulog sa iisang kwarto kasi hindi pa tayo kasal." pag papaalala ko. Grabe ang bilis niyang makalimut...

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon