Chapter 15

68.8K 2.7K 275
                                    

Chapter 15: First kiss

THIRD PERSON's POV:

"Umuuwi ako dito every weekend, Vaughn. Ikaw dapat tanungin ko. Napauwi ka?" sarkastikong balik tanong ng dalaga sa kaniyang nakababatang kapatid. Siya ang ina ng kambal na pamangkin ni Vaughn. Si Vawn Boehringer... Ang mga anak niya na sina Velle at si Vall.

"Lets go na po Tita Jas!" aya ni Velle habang hawak ang kaliwang kamay ni Sue at bahagyang hinihinila.

"Oo nga naman po tita Min." si Vall naman na ang kanang kamy ni Sue ang hinihila.

"Wait.... Osige na nga! Hihihi tara laro tayo. San niyo ba gusto?" nakangiti at excited na tanong naman ni Sue sa mga bata habang masayang nagpapahila sakanila. Umalis ang tatlo at umakyat sa taas.

Habang wala namang kaalam alam ang asawa niya. "So ano? Wala kang balak sagutin ako?"

"Ikaw? Wala kang balak tigilan ako?" walang gana niyang tanong na bumalik sa dinning area. At otomatikong umarko ang kilay niya nang hindi madatnan dito ang fiance. "Where's Sue mom?"

"She's with the twins. Hayaan mo nalang sila. Mukha kasing gusto siya ng mga bata. Hahaha" napairap na nalamng siya at akmang aalis nang magsalita ang ate niya.

"Ops! Don't face your back on me Vaughn. Hindi mo pa ako nasasagot. At.... who's Sue? Bisita mo Vaughn?" tanong ni Vawn sa kapatid habang sumasalo sa magulang sa pagkain.

"She's--" hindi siya pinatapos ng kapatid.

"Ow, yeah right. Baka bisita ni Dustin. Ang batang yun. Kung sino sino inuuwi. Tss," komento niya na inikot pa ang eyeballs.

"Vawn. Patapusin mo muna kasi ang kapatid mo. Bisita siya ni Vaughn at hindi ni Dustin," sambit naman ng ama nilang si Martin.

"Ehh? B-bisita ni Vaughn? At ang malala... BABAE?? Who is she?" nalilitong tanong niya habang nakatingin sa kapatid.

"She's my fiance, Vawn," walang emosyon niyang sagot na kumakain ng lutong adobo. Kahit hindi si Sue ang nagluto ay naging paborito niya na ito.

"Ah... Wait WHAT?? F-fiance? Mom?" nakangiti lang ang ina nila at tila natatawa sa reaksyon ng anak. Napairap naman si Vaughn sa pagiging oa ng kapatid.

"Hahaha! Omygosh. I can't believe this. Fiance? Really? Nice joke. Ang tanong mahal ba sya ng anak niyo? Pfft," natatawa niyang aniya. "Let me guess mom. Sinusungitan siya ni Vaughn? Iniiwasan? Aww. Poor girl," ang pagkakakilala kasi nila kay Vaughn ay isang irresponsableng lalake. Lahat ng lumalandi sakaniya ay sinusungitan at hindi niya pinapansin.

"Nah." tanggi ng mommy nila. Mas lalo pang nalito ang dalaga. Talo pa niya ang naglalaro ng pinoy henyo at kanina pa nanghuhula.

"Aw, really? Ha! I still can't believe," nagsimula na siyang kumain. "Omygosh. Grabe! Nagutom ako sobra sa byahe. Ewan ko lang sa mga anak ko at nakuha pang maglaro. Nasan na ba mga yon? Lola nakita niyo ba?" tanong ni Vawn habang sinisimot lahat ng nakahaing pagkain. Mas lalong natawa ang matatanda habang pinapanood silang magkapatid na sobrang laki ng pinagkaiba ng ugali.

"Hindi ka parin nagbabago. Maingay ka padin."

"Ikaw naman, hindi na nga nagbago masungit ka padin sakin! Psh."

"Madaldal."

"Isnubero."

"Pangit."

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon