Chapter 36

57.3K 1.9K 403
                                    

Chapter 36

SUE's POV:

“Hubby, sigurado ka? Hindi kaya mapanganib na ang magmaneho ngayong gabi na? Tingnan mo yung oras oh. 9 pm na Von. Wag ka nang umalis,” pagpupumilit ko habang sinusundan si Von palabas ng bahay.

“Minmin's right, dude. It's not safe na magmaneho ka pa sa labas ng gantong oras.” sabi naman ni Max nakaupo sa sopa sa sala at nanonood ng pelikula na hindi ko alam kung ano ang title. Don't worry mamaya tatanungin ko hihihi

“Thanks for your concern. But this is urgent. I have an urgent meeting na kailangan kong puntahan,” sagot ni Von kaya mas sumimangot naman ako.

“Pero wala ka namang schedule ngayong araw lalo na ngayong gabi ah. Ako secretary mo diba?”

“Yeah. But this is a sudden meeting so I need to go. I'm sorry wife. Don't worry, I'll be safe. Bukas nalang tayo magkita. Susunduin kita. Promise. I love you,” aniya pa pagkatapos ay hinalikan ako sa noo at tuluyan nang lumabas ng gate at sumakay sa kaniyang kotse.

Kumaway pa siya kaya kumaway din ako. Pinaandar na niya ang makina at sinimulan nang iabante ang kotse kaya naman ay sumigaw na ako.

“I love you! Ingat ka!” huli kong nasilayan ang ngiti niya bago siya tuluyang umalis. Pinanood ko ang sasakyan niyang papalayo at papalabas ng aming baryo.

“Malamig dito sa labas. Pumasok ka na Jasmin,” rinig kong sambit ni Tsang mula sa loob kaya naglakad na ako papasok at isinara ang gate.

Hay.... ano kaya yung urgent meeting na sinasabi ni Von?

Gaano naman yun kaimportante at kailangan niyang puntahan ngayong gabing gabi.

Huhuhu nag aalala ako baka kasi maaksidente si Von sa pagmamaneho. Lalo na at sinabi niyang urgent yung pupuntahan niya. May pa- I'll be safe- I'll be safe pa siyang nalalaman eh pag nagmamaneho yun papunta sa isang urgent meeting kala mo nasa karera.

Hayssss!

Debale, bukas pag sinundo na niya ako papagalitan ko talaga siya! Huhuhu baka di ako nito makatulog.

Ay! Tawagan ko nalang pala siya hihihi. Oo tama.

SOMEONE's POV:

Mula rito sa kotseng sinasakyan ko ay palihim kong pinagmamasdan ang babaeng kumakaway at nagpapaalam sa asawang papaalis. Napa irap na lamang ako tsaka ibinalik ang tingin sa kaniya.

Haysss. Kawawang Jasmin Sue Perez. Tsk. Tsk. Tsk. Ang malas mo talaga kahit kailan. Tss.

(-phone call rings-)

Hm?

Tiningnan ko ang pangalan ng tumawag bago ito sinagot, “Yes, Lorcán?”

[Who's the wife?] diretso at seryosong tanong niya.

“Maling babae ang ipinakilala. Hindi yung hawak natin ang asawa, Lorcan. Mukhang nautakan tayo. Tss,” sagot ko. Napangiwi naman ako at bahagyang inilayo ang phone sa aking tenga nang bigla siyang magmu-mura at magbasag ng kung ano ano sa kabilang linya.

[Wala na palang silbi itong babaeng ito. Kaya pala kahit anong tanong ay tumatanggi. Putangina!]

“Kalma, Lorcan. Because I already know who's the wife is. But unfortunately, you know her,” nakangising sambit ko habang pinapanood parin ang babaeng papasok na.

[What do you mean? And who's—]

“Jasmin Sue, Lorcan.” sagot ko na hindi na siya pinatapos pa.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon