Chapter 50

46.9K 1.7K 123
                                    

Chapter 50

Kinabukasan. Lunes ang araw na ito at balak na ipa enroll ni Sue and adopted child na si Eren dahil magsisimula na pala ang pasukan. Kahapon nga bago matulog ay tinanong ni Sue si Eren kung saan niya gustong mag aral. Kung anong klaseng paaralan ang gusto niyang pasukan. Sa public o private school.

“Dad owns a university. Dun ka nalang mag enroll.” gustong pumayag ni Eren sa sinabi ni Vaughn ngunit naisip niya na hindi pa naman siya mahilig makihalubilo sa iba. Pero gusto niya ng makakasama.

“Gusto sanang mag aral kung saan papasok si Carl.” nagkatinginan ang mag asawa. Sumang ayon naman si Sue dahil mas mainam nga na pumasok siya kung saan balak mag enroll ng kaibigan ni Eren para may kasama at may kaibigan na siyang kasama sa unang araw palang ng pasukan.

Tinanong niya ang kaibigang si Ellie kung saan nag enroll ang kaniyang anak at sinagot naman niya ito. Pagmamay ari raw ng kaniyang asawa ang paaralan at sinabing pwedeng mag enroll bukas. Bukas na din ang unang araw ng pasok. Sinabi ni Ellie na siya nang bahala sa ag eenroll kay Eren magkita nalangsila bukas para mapirmahan ang ilang form.

Nasa byahe na ngayon ang tatlo. Inihinto saglit ni Vaugn ang kotse sa tapat ng mall. Ipinarada sa tapat ng isang lalakeng naghihintay sa labas ng mall. Halata sa kaniya na kanina pa naghihintay at kinukusot pa ang mata na mukhang inaantok pa. Ikaw ba namang utusan na pumuntang mall ng maaga para lang bumili ng school supplies.

Binuksan ni Vaughn ang bintana sa kaniyang tabi at kinuha ang inabot ni Hunter. Bahagya  pang napakunot nang makita ang itsura ni Hunter. Naka pajamas lang kasi ito ng suot. Natuwa naman si Sue nang makita si Hunter sa ganoong itsira.

“Good morning Hunter!” bati niya na kumaway sa binata.

Ngumiti naman si Hunter at kumaway pabalik. Hindi na nag abalang sumagot dahil sa twing ibubuka niya ag kaniyang bibig imbis na salita ang sasabihin ay humihikab na lamang siya.

Pinaandar na ni Vaughn ang kotse at itinuloy ang biyahe. “Sino po siya?” tanong ni Eren na tinutukoy si Hunter.

“Siya? Kaibigan siya ni Daddy Von mo. Hunter ang pangalan.” pagpapakilala ni Sue.

Nakarating na sila sa malaki, malawak at magandang paaralan ng M.U o Montero University. Sumalubong sa kanila ang nakangiting si Ellie na hawak si Carl.

Pagpasok nila ay ibinigay na ni Ellie ang sinasabing form na pipirmahan ng mag asawa para sa pag papaenroll kay Eren rito.

“Tara Eren. Sinabi ko kay papa na sa dapat sa iisang section tayo magkasama kaya classmate kita.” sabi ni Carl na muling kinuha ang kamay ni Eren at nagsimula na silang mag lakad.  “Tara. Dadalhin na kita sa classroom at mamayang breaktime ililibot naman kita.”

Pero bago siya sumama lumingo  pa siya kay Sue. Si Sue naman ay lumuhod upang mapantayan ang bata.

“Mag kasama muna kayo ni Carl. Mamayang uwian susunduin ka namin. Okay?”

“Hindi niyo po ako sasamahan?”

“May pupuntahan pa kasi kami ng daddy mo eh. Mag enjoy ka. At makinig sa teacher palagi okay?” sandaling tumahimik si Eren.

Hindi naman siguro sila mawawala at iiwan ako diba? Mabait si mommy Sue kaya may tiwala ako sa kaniya. Kaso natatakot ako na baka...

“Basta bumalik ka.” sambit niya. Ginulo.naman ni Sue ang kaniyang buhok at tumango.

“Oo naman noh! Kami nga ang susundo sayo pag uwi. Hihihi. Kaya sige na, pumasok na kayo ni Carl. Pag balik namin may pasalubong kami sayo.”

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon