Chapter 11

73K 3K 501
                                    

Chapter 11: I do

SUE's POV:

Pagkababa ko ng kotse ay napanganga ako agad. "Wow! Von, nasan tayo? Bahay niyo ba ito??" Napalingon ako sa vase at sa bulaklak na nakatanim rito. Agad ko itong nilapitan at pinagmasdan. Ang gandaaa...

Inamoy ko pa at talaga namang napakabangooo. Grabeee

"Welcome back, mr. Vaughn." Nakayukong bati ng halos kasing edad lang din ni Von. Napaka formal niya manamit.

"Ah.. Von sino yang gwapo na yan?" Bulong ko sa tenga ni Von. Mabuti nalang at medyo tumungo siya para marinig ako.

"Tss." nagtatanong lang naman ehh.

Umayos siya ng tayo at hinawakan ang kanang kamay ko't pinagkrus ang mga daliri namin. Ibinalik ko ang tingin sa mga bulaklak, pero unti unti akong lumalayo at napagtanto ko nalang na hinihila na pala ako ni Von papasok sa mansion.

*pout*

"Welcome back, mr. Vaughn." Nakayukong bati ng mga maid na nasasalubong namin.

"Von, bakit kung maka-welcome sila sayo parang isang dekada kang nawala?" Pabulong na tanong ko uli kay Von na medyo inilapit ang sarili sa kaniya para marinig niya.

"Nah. Actually maybe just a 1 year?" Hindi pa siya siguradong sagot.

"Hindi ba sila nangangalay kakayuko, Von?"

"Don't mind them and focus on me."

"Eh? Bakit naman ako magfo-focus sayo, Von? Ano ka? Math?"

"Tss."

"Tss ka ng tss. Wala ka bang--" hindi ko na ituloy ang sasabihin nang matanaw ko ang tatlong matanda na nakaupo sa sofa sa kung saan kami patungo ni Von. Mukhang sa sala.

Tatlo sila. Dalawang babae at isang lalake. Yung isang matanda na babae muka nang lola. Tapos yung dalawa mukang mag asawa. Ang ganda nung babae na katabi nung lalake.

Nang mahinto kami sa tapat nila ay naagaw namin ang kanilang atensyon. Nakaramdam naman ako ng kaba at hiya kaya medyo umurong ako sa likod ni Von at kunwaring nagsusulat sa likuran niya. Hawak niya padin ang kanang kamay ko.

"Good afternoon, ma, pa, lola... Sorry if we just arrived." rinig kong bati ni Von.

Ah... Mama at papa niya pala yung kanina. Hindi na nakakapagtaka dahil ang ganda at gwapo nila.

"Mm. Mabuti nga at nakarating kayo. Akala namin hindi kayo matutuloy." rinig kong sambit ng lola ni Von. Ni hindi ko magawang sumilip dahil talaga namang nahihiya ako.

"Oh?? Wala ka man lang bang balak na ipakilala ang magandang dalaga na kasama mo iho?" Mas lalo akong umurong sa likod nang marinig ang sinabi ng papa ni Von.

"Ah. She's Sue Perez... my Fiance." naramdaman ko ang pagpisil ni Von sa kamay ko at marahang paghila nito. Nakatungo naman akong nagpahila at tumabi sakanya pagkatapos ay humarap sa mga magulang niya.

"H-hello po...." nahihiya kong bati na nakatungo padin. Tahimik lang sila kaya kinabahan ako ng sobra. Nakatingin ako sa kamay ko na hawak ni Von. Matigas ang kamay niya... pero napaka komportableng hawakan hehehe...

"I'm glad to meet you iha. Welcome to the family," napaangat ako ng tingin at laking gulat ko nang nasa harapan ko na pala ang mommy ni Von at bahagya akong niyakap. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik gamit ang isa kong kamay.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon