Chapter 34

52.6K 2.3K 346
                                    

Chapter 34

“Nasaan si Von?”

Nagkatinginan sila Hunter at Clinton, tinatanong ang isa't isa gamit ang pagtitig kung alam ba nila kung nasaan si Vaughn. Pero pareho silang umiling.

“Kyaaaaaaaaah!”

“Ohmygosh! Ang gwapo!”

“Kyaaaah! Ang pogi!”

“Kuya ang gwapo mo po!”

Ilan yan sa biglang tilian ng mga kababaihan mula sa labas ng auditorium na umaalingawngaw hanggang sa loob.

“I think siya na 'yun,” sambit ng binatang si Hunter habang nakapamulsang nakatingin sa labas.

Kumpulan na nagsipasok ang mga estudyante na halatang may pinagkakaguluhan. Napakunot noo ang dalawang dalaga habang nakatanaw roon.

Palapit ng palapit ang mga ito hanggang sa unti unti ay nag sisitabi o nahahati ang mga kumpulan ng mga estudyante.

“Von!” malawak ang ngiti at tuwang tuwa na sigaw ng dalagang si Sue nang makita ang asawa.

Ngumisi naman si Vaughn na para bang siya na ang pinaka astig na pumasok o dumating. Sinalubong naman siya ni Sue at tumayo sa harapan niya.

Pero si Vaughn ay ibinuka ang mga braso na agad namang na-gets ni Sue. Masaya siyang dumikit sa asawa na niyakap at ikinulong naman siya agad sa kaniyang mga bisig.

Lahat ay nainggit sa senaryo na naganap. May nadismaya rin dahil taken na pala ang binata. Pero may iba na iba din ang pinagkakaguluhan. At yun ay ang dalawa pang kasama ni Vaughn na dumating.

Kahit sila Clinton at Hunter ay napansin din lalo na nung nadagdagan ang mga estudyanteng nasa auditorium.

“Akala ko nakalimutan mo hihihi,” aniya ni Sue habang nakayakap at nakatingala kay Vaughn.

“A-ahm, yeah. I mean... I will not! This is an important day for you so why would I f-forget? Tss.” nauutal na tugon naman ni Vaughn na halatang kabado rin.

Pero hindi yun pinansin ni Sue dahil sobrang saya niya.

“By the way,”

“Hm?” nagtaka si Sue nang ilahad ni Vaughn ang kamay sa binatang si— “Uy! Hi Joshua!”

Kumaway naman siya at pagkatapos ay inabot kay Vaughn ang nais na kunin mula sa kaniya. “Hi, miss Sue. Congrats and—” hindi niya natuloy ang pagbati nang unahan siya ni Vaughn.

“Happy birthday, hon.” malambing na bati niya tsaka inabot kay Sue na bitbit pa ang mga bigay nila Clinton at Hunter. “Josh.” maotoridad na tawag niya sa kasama na agad naman lumapit.

“Yes boss?”

“Get those things,” turo niya sa dala ni Sue.

Napairap na lamang si Josh at walang nagawa kundi ang sumunod, “Sinama mo lang ba talaga ako para lang tagabuhat mo? Tss!”

“Huh?” nabigla ang dalaga nang kunin sakaniya ni Josh ang mga regalo.

“Wife,” ibinalik ni Sue ang atensyon kay Vaughn na ngayon ay nakalahad na ang isang bouquet ng bulaklak.

Nagningning naman ang mga mata ni Sue sa nakita, “Woah! Para saakin ba talaga yan Von?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Yeah,” tanging tugon lamang ni Von.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon