Chapter 12

69.3K 3.2K 191
                                    

Chapter 12:

SUE's POV:

*sniff* *sniff*



Kailan ba ako matatapos rito? Hindi ko na kaya huhuhu....




"Oh, iha. Ayos ka lang ba? Tapos ka na ba riyan sa sibuyas?" natatawang tanong ni mommy Venice.



Sunod sunod naman akong tumango, "*sniff* O-opo mama. Tapos na po. *sniff* Ang h-hapdi po sa mata huhuhu...." hindi naman na ito ang unang beses ko sa pagluluto lalo na sa pag hihiwa ng sibuyas, kaso medyo mataas yung lamesa kung saan ako naghihiwa.



Nagpunas naman ng kamay si mommy Venice sa kaniyang apron tsaka ako nilapitan at pinunasan ang pisngi kong basa na.




"Awww.... I'm lucky... we're lucky to have you iha. Feeling ko nagkaroon ako ng babaeng anak. I'm so happy! You are so sweet, adorable, humble, lovely and.... hahaha childish. Salamat kay Vaughn at nakilala ka niya." Mas lalo akong naiyak. Hindi sa sinabi ni mommy Venice kundi....




"Mama *sniff* Ang hapdi po sa pisngi at mata. Bakit po amoy *sniff* Vix ata yung kamay niyo? Huhuhu~" nanlaki naman ang mata niya na parang may naalala.









"Omygosh! Gumamit nga pala ako kanina ng vix!" natataranta niyang sambit. (O__O')




"Oh, sorry iha. Sorry... Yaya! Kayo na ang magtapos at magdala ng mga niluto namin ni Sue sa dinning table." utos niya.





Nagsilapit naman agad yung mga yaya na tinawag ni mommy Venice. Ang totoo niyan tapos na talaga namin, pinakukulo nalang namin yung huling niluluto namin.





"Tara, iha. At dadalhin muna kita sa banyo at hugasan natin ang iyong mukha." naiiyak naman akong tumango at sumunod sa kaniya.





Gusto kong punasan yung mata ko at makamot dahil makati ito kaso dahil sa kamay kong amoy sibuyas eh hindi pwede. Baka mas lalong humapdi. Pero mabuti nalang at naka-t-shirt ako, kaya itinaas ko yung laylayan ng damit ko at ginamit iyon para punasan ang mga mata ko.





"Mom, did you see my guitar?" napahinto ako sa pag lalakad nang mauntog ako sa likod ni mommy Venice.





"Bakit? Nawawala na naman ba? Baka naman ginalaw na naman ni Dustin? Siya ang tanungin mo." Tuloy parin ako sa pagpunas ng mata ko, umaasang mabura yung hapdi. Kaso parang kumakalat lang sa balat ko. Huhuhu ang anghang (TヘT)





"Mama kumalat po ata yung vix.." tanong ko habang nagpupunas padin.





"Talaga iha? Naku! Tara na sa cr. Ah, Vaughn hintayin niyo nalang kami doon sa dinning." Hinawakan ni mommy Venice yung kamay ko.





"Put down your shirt, hon." rinig kong malamig na utos ni Von pero hindi ko siya pinansin. Hinila na ako ni mommy kaya sumunod nalang ako.




The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon