Chapter 9

76K 2.6K 45
                                    

Chapter 9

-KINABUKASAN-

SUE'S POV:

Goodmorning Saturday!

Unang gabi ko dito sa bahay ni Von ah? Grabe, iba talaga ang sarap matulog pag ganto kalaki at kalawak ang kama eh noh? Solong solo. Hahaha


Masaya sana kung katabi ko man lang dito si Von diba? Sana isinama ko rin si Kiki.

Kaso hindi naman ako sanay sa aircon.-,- Pero ayos lang den hehehe

*knock* *knock*

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang nakayukong maid ni Von.


"Good morning maam Sue..," bati niya habang nakayuko paden.


"Good morning din po hehehe,"



"Nakahanda na po ang paliguan niyo. Wag po kayong mag alala dahil tutulungan ko po kayong mag ayos. Pagkatapos po ay ihahatid ko naman po kayo sa dinning area para makapag almusal na po kayo." Sabi niya.

Almusal? "Ah ehh... kasama ko din po ba si Von kumain?" Tanong ko.


"Si Young Master Vaughn po ba ang tinutukoy niyo, ma'am Sue?" pagtatama niya. Sorey naman po huhu


"Ah eh.. Opo," napapahiyang tugon ko naman.


"Yes ma'am," lumawak ang ngiti ko nang marinig yun.


'Kung bukas pa naman ako ihahatid ni Von pauwi edi... bukas ng umaga may chance pa akong ipagluto siya ng breakfast?! Hihihi Oo! Oo!'


"Sige po. Pero ako na po bahala sa sarili ko. Susunod nalang po ako don." nakangiting sabi ko sa kaniya. Mas yumuko pa naman siya.


"Pero utos po sa amin na samahan kayo, ma'am Sue. "

"Hindi. Ayos lang. Kaya ko na. Alam ko rin kung saan yung paliguan dahil inilibot ako kagabi ni Clinton. "

"Sige po ma'm Sue. Kung yun po ang gusto niyo ay hindi ko na po kayo pipilitin. Aalis na po ako. Tawagin niyo nalang po ako kung may kailangan kayo. Nasa kabilang kwarto lang po ako. " tsaka siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

*yaaaawnnn*


Matapos kong mag inat inat ay pumunta na akong cr para maligo at magtooth brush.


Tapos ay dumiretso na akong lumabas ng kwarto at bumaba para pumunta sa dinning area. Nakita ko naman dun si Von na nakaupo na at.. nagsisimula na siyang kumain magisa-,-

'Hindi na ako hinintay, amp!'



"Good morning Von!" Masiglang bati ko pagkalapit ko. Umupo pa ako sa katapat na upuan niya kung saan may sarili na akong plato.


Tumango siya, "Mm," ay suplado. Yun lang ang sinagot╥﹏╥.


Kumain nalang din ako at talagaaaaang sobrang tahimik namin kumain. Gusto ko sanang kausapin si Von kaso parang may barrier na nakapalibot sa kaniya at ayaw niya akong pansinin.


Kaya itinuon ko nalang ang pansin ko sa kinakain. Sobrang sarap talaga ng pagkain, iniisip ko na si Von na naman siguro ang nagluto. hihihi


Kaya nga balak ko na ako naman ang maghanda at magluto ng breakfast para bukas. Yiee excited ako hehehe pero slight lang.

Nasa garden ako ngayon. Pumayag naman si Von kanina na maglibot ako rito sa bahay niya eh. Pero mas kapansin pansin ang ganda nitong garden na kita ko kanina sa loob dahil sa salaming pader sa may sala ng bahay. Nakalimutan ko na kung anong tawag doon eh. Transparent wall ata? Ah basta.

Nakaupo ako ngayon sa may mahabang upuan na gawa sa kahoy at pinagmamasdan ang nag-gagandahang mga bulaklak at tanim. Napansin ko ang malaking puno sa may tapat. Kaya naman lumipat muna ako doon at umupo sa makapal na damo.

'Hayyy... ang sarap sa pakiramdam. Hihihi sayang lang at wala akong load para makapanood ng episodes ng doraemon huhu╥﹏╥ Mas maeenjoy ko pa sanang tumambay dito.'

Nakaramdam ako ng kati sa may braso ko.

'Grabe, hindi ko inaasahang may lamok dito?'



"Pero wala naman akong marinig o napansin," Kamot ulo kong sabi.


'Aba! Ganon na ba katalino mga lamok ngayon? Grabe...'


Iniiwasan ko nalang matamaan yung pasa ko. Pero kahit anong ingat ko nadidiinan ko eh.


'Pano ba naman! Sa mismong pasa ako kinakagat eh. Psh!'


"Aray!" Daing ko. Pero ayaw ko mang kamutin para di ko magasgas yung pasa ko eh hindi ko naman maiwasan.


'Talagang makati eh! Peste.'

"You!"

•.•

Napatingala naman ako sa harapan ko nang marinig ang sigaw na yun. Nauna kong nakita ang itim na sapatos hanggang sa makita ko ang hitsura niyang.. galit?!

╥﹏╥'Ano na naman bang ginawa ko ha?!'


"B-bakit Von? Hehe," pilit ngiti kong tanong habang kumakamot padin at iniinda yung pasa. Hehehe talagang ayaw matigil sa pangangati eh.


"What are you doin'?" Salubong ang kilay niyang tanong saakin.


"Nakaupo at nagkakamot? Hehehe," pero napatungo naman ako ng tingnan niya ako ng masama.


'Grabe siya oh!-.-'


"Tsk," Pagkatapos ay iniwan niya akong magisa doon.


Kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Akala ko na kasi kung papagalitan niya ako.


'Akala ko din kung magaalala na siya. Amp!'


Napigilan ko na ang pagkakamot at hindi na rin ako nakaramdam ng pangangati. Kaya laking ginahawa ko na. Kaso nagulat ako nang makitang namumula na yung pasa ko eh.

Huhuhu yung skin ko╥﹏╥

"Gimme your hand," agad akong napalingon sa tabi ko nang marinig ang boses na yun.


'Hala! Di ko manlang namalayang najan siya?!'


"H-hubby?!" di makapaniwalang naiusal ko. Pero hindi niya ako pinansin.


Napangiti naman ako tsaka ko ibinigay sakaniya ang kamay ko. Hihihi may dala siyang ointment guys.

'Sabi ko sainyo eh. Nagaalala siya hihihi'

-----itutuloy

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon