Chapter 52

42.5K 1.7K 220
                                    

Chapter 52

“Von! Von! Von! Tingnan mo ito. Sa tingin mo ba mahilig sa chocolate si Eren?” nagniningning ang mga mata ni Sue habang nakatingin sa chocolate cake. Nasa isang bakery shop sila ngayon at bumibili ng cake pasalubong kay Eren.

“I don't know. But Eren's still a kid. And kids love chocolates.” sabi naman ni Vaughn. Nakatingin rin siya sa chocolate na tinutukoy ni Sue.

“Talaga? Okay! Ito na ang bibilhin natin. Hihihi.” nilapitan niya ang casier at sinabing yun ang pinili nila. Napalingon siya kay Jasper dahil may inorder din ito na cake. Chocolate din pero iba sa napili nila Vaughn.

“May birthday po ba?” tanong ni Sue.

Napaiwas naman ng tingin ang matanda at napatikhim. “P-para sana sa anak niyo. Gusto kong bilhan din ng cake ang a-apo ko.” aniya.

Napahinto pa si Sue at natulala sa ama. Pero nang makarecover ay ngumiti siya. “Siguradong matutuwa nito si Eren!” nakangiti niyang sabi.

Nang balingan na si Vaughn ay kumunot ang kaniyang noo. Inikot niya ang mga mata sa mga babaeng costumer kahit pa mga staff ng shop ay nakatingin at tinititigan ang kaniyang asawa. Hindi niya alam pero mabilis na nag init ang kaniyang ulo sa mga ito.

Nang lingunin siya ni Vaughn ay ngumiti ito pero nawala nang iwasan siya ng tingin ni Sue. Pasiring at nakahalukipkip siyang nag iwas ng tingin.

“Ma'am eto na po yung cake.” nakangiting sabi ng kaharap ni Sue habang inaabot ang isang paper bag kung saan nakalagay ang binili nilang cake.

“Mm. Salamat.” kukunin na sana niya ito nang unahan siya ni Vaughn.

“Let me.” sabi niya. Ang inaasahan niyang ngingiti at magpapasalamat na asawa ay tumango lang at nauna nang lumabas. Umiling na lamang si Vaughn at sumunod nasa asawa.

Paglabas nila kasama si mr. Perez na may dala ding paper bag, sakto naman ding dumating si Clinton na may dala ding paper bag na blue.

“Hm? Kuya ano yan?” tanong ni Sue turo ang dala ni Clinton.

“A ball. For Eren.” sagot naman niya.

“Wow! Talaga kay Eren yan? Hihihi siguradong matutuwa ng sobra nitosi Eren.” tuwang tuwa niyang aniya. “Hubby, anong oras na?”

“4 pm.”

“Hala! Tara na!”

---

“Hihihi Eren nagustuhan mo ba ang school?” nakangiting tanong ni Carl kay Eren na tahimik lang na kasabay niya sa paglalakad.

Tumango si Eren. “Mm.”

Lalong lumapad ang ngiti ni Carl. “Great! Tara na. Baka hinihintay na tayo ni mama sa labas.” hinawakan niya muli ang kamay ni Eren at hinila na dahil hindi man lang ito nagmamadali maglakad.

“Hoy. Wag ka masyadong mabilis baka madapa tayo.”

“Excited na kasi akong umuwi hehehe.”

Sumunod na lamang Eren kay Carl at nagpahila rito. Nang makarating sila sa labas ng gate ay sakto namang dumating si Ellie at ang asawa nito.

“Hi kids! Nag enjoy ba kayo sa unang araw niyo sa school?” matipid ang ngiting tanong ni Aiden at kinarga pa si Carl.

“Masaya po! Alam niyo? Nagustuhan ni Eren ang school.” nakangiting sabi ni Carl.

“Really? Great!” kinarga na rin niya si Eren na nagulat pa pero nagpakarga nalang din. “You really like it huh?”

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon