Chapter 43

49K 2K 156
                                    

Chapter 43

THIRD PERSON's POV:

Sumeryoso ang mukha ni Max pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Clinton na nakahawak sa kwelyo niya. Iwinaksi niya ito at naglakad. Nang malagpasan niya na ito ay huminto siya ngunit hindi na lumingon.

“Matalino ka Clinton, dapat ngayon palang alam mo na ang sagot sa mga tanong mo,” wika niya bago tumuloy sa paglalakad at iniwan si Clinton na napakuyom na lamang ng kamao.

“Grabe nuh? Hahaha”

“Yeah,”

Bumukas ang pinto at napalingon ang dalawa sa dumating. Nakangiti ito habang nakatingin ky Sue. “Minmin,” sambit niya pagkatapos ay nilapitan si Sue.

“Kuya Max!” ibinuka niya ang kaniyang braso para salubungin ang pinsan. Niyakap naman siya nito.

“I'm glad you're awake. Thank you,” sabi ni Max habang yakap si Sue.

“Ako din Max masaya nang nagising hihihi,” aniya naman ni Sue habang tinatapik ng mahina ang likod ng pinsan.

Humiwalay si Max at ipinakita ang dala. “I know you're hungry so I bought you foods,”

“Talaga?! Yey! Salamat kuya Max ha! Hihihi, gutom na nga talaga ako. Nagutom ako sa pagkwekwento hehehe,” sabi naman ni Sue na napahawak pa sa tyan.

Napairap na lamang si Clover na itinuloy na ang pagbabasa. “Eat well,”

“Gusto mo Clover?”

Umiling siya, “No thanks. Kakain nalang ako sa labas,”aniya pagkatapos ay isinara ang librong hawak. “Vaughn texted me, parating na daw siya.” tsaka siya naglakad paalis ng kwarto. Nakangiti pa siyang kumaway bago makalabas ng kwarto.

“Narinig mo yun Max?? Parating na raw si Von! Yey!” masayang sigaw ni Sue.

Ginulo naman ni Max ang buhok ni Sue, “Oo, kaya kumain ka na.”

Nakangiti namang tumango si Sue at masiglang kumain.

Isang oras ang nakalipas at dumating na si Vaughn ngunit tulog na ang dalaga nang maabutan niya.

“You're arrived,” aniya ni Max na nasa sofa at nakatutok sa kaniyang laptop.

Dumiretso si Vaughn sa kama ni Sue at hinaplos ang noo nito. “Katatapos niya lang kumain.”

Naalimpungatan naman si Sue nang maramdaman ang haplos ni Vaughn sa kaniyang noo. Pagmulat niya ay si Vaughn agad ang nakita niya. “Von!” maingat siyang umupo.

“Von, buti at du— huk!” nabigla siya nang yakapin siya ni Vaughn. Pero nang makarecover ay napangiti siya at ginantihan ang yakap sa kaniya. “Hihihi,”

“I missed you, wife.”

“Ganun ba? Hihihi, sorry kung matagal akong nakatulog.”

“How are you feeling?” tanong niya na hindi parin humihiwalay sa yakap kay Sue.

“Nakita na kita Von. Okay na ako. Nakakapag charge na din ako hehehe. Hug mo lang ako.” tugon naman niya. “Hmm! Ang bango mo talaga hubby! Hihihi,”

“Von,” tawag ni Sue sa asawa na abala sa pag balat at paghiwa ng mansanas para kay Sue. “Si Lorcán?” tanong niya na ikinahinto ni Vaughn. Hindi niya kasi aakalain na magtatanong siya tungkol sa taong may dahilan kung bakit siya nasa ospital.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon