Chapter 10

76.2K 2.7K 74
                                    

Chapter 10:

SUE's POV:

"Von, anong ginagawa natin dito?" pabulong na tanong ko kay Von.

Nakangiti ako habang binabati pabalik ang mga empleyadong nasasalubong namin papunta sa office niya.

Oo, papunta sa office niya dito sa company building niya. Hehehe~ Sabi kasi ni Von may pupuntahan kami. Pero dadaan muna daw kami sa office niya dahil may kukunin lang daw siya. Hindi ko nga lang alam kung ano.

Nakarating rin kami sa office niya at... wow! Ang ganda at napakalawak dito sa loob! Ang gaganda rin ng mga gamit niya, mamahalin lahat.

"Wow!" Patakbo akong pumunta sa may veranda. Oo may veranda pa dito sa office, pero hindi bukas at pinapalibutan ng transparent wall. Ang ganda lang kasi kita ko yung buong syudad mula rito.

Napahawak naman ako sa aking tyan nang makaramdam ng gutom. *pout* Gutom na ako....

Bumalik ako sa loob at nakita kong may tina-type pa si Von sa kaniyang laptop. Akala ko ba may kukunin lang siya?

"Ahm..... Von labas muna ako pwede? Hehehe," pagpapaalam ko.

"Tawagin mo nalang yung secretary ko at sakaniya ka magpabili," Aniya nang hindi man lang lumilingon saakin. *pout*

Lumabas ako at hinanap yung secretary niya sa tapat ng office ni Von. Kaso.... wala eh.

Bumalik naman ako uli, "Wala siya Von. Kaya ako na ang lalabas, okay? Wag kang mag alala ibibili na din kita para sabay na tayong kumain. Lunch na kaya." Sambit ko. Kinuha ko na yung bag ko.

Nilingon ko pa si Von bago ako lumabas at ngumiti, "Labas muna ako Von ha. Hehehe babalik din ako agad. Bye hubby!" Hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na.

Pumunta ako ng pinoy food restaurant malapit lang sa company nila Von. Nag take out ako ng lutong ulam at kanin. Siyempre ipinalagay ko sa tupperware. Bumili rin ako ng tubig para inumin.

Pagkatapos ay bumalik din ako agad sa office ni Von. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad saakin si Von na mukhang paalis na. "Oh? Aalis ka na?? Kain muna tayo. Sayang itong binili ko oh." Pero hindi siya kumibo at tiningnan lang ang dala ko tapos ay ibinalik saakin ang tingin.

"Sige na.... tara doon at kainin natin." ani ko habang ipinagtutulakan siya papunta sa may sofa na may mini glass table sa gitna.

"Hey," Pero hindi na siya nagreklamo pa at umupo nalang din sa sofa. Tumabi ako sa kaniya tsaka ko isa isa inilabas sa paper bag yung pagkain.

Pagkatapos ay isa isa kong binuksan ang nga tupperware. Tatlo ang dala kong tupperware, dalawa na ang laman ay ulam at yung isa ay kanin. Humingi din ako dun ng plato. Grabe nga at nagbigay talaga, tapos babasagin pa grabe ang bait nila.

Nang makuha ko na iyung mga order ko ay naalala ko na baka wala nga palang plato sa office ni Von.

"Ah, miss... pwede bang makahiram ng plato? Ibabalik ko lang din naman po pagkatapos kong gamitin hehehe..." Baka kasi hindi sanay si Von kumain sa tupperware. Medyo may pagka arte pa naman yun.

"Sorry ma'am pero hindi po kami basta basta nagpapahiram ng gamit sa mga costumers"

"Pero miss, kailangan ko kasi ng plato para sa asawa ko eh.... Sige na pooo"

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon