Chapter 19

64.4K 2.5K 112
                                    

Chapter 19: I do”

SUE's POV:

*kriiiiiiiiiiiiiing*

Hayy! Success! Tapos na ang EXAM! Yehey! Makakapagpahinga na rin ang brain ko. Grabeeee nahirapan ako sa exam. Pero keri lang. May inspirasyon eh.

Palabas na sana kami ng gate ni Akari nang may tumawag sa pangalan ko. "SUE!"

"Oh, ikaw pala Lisa. Bakit?" nakangiti kong tanong nang makalapit siya saamin.


"Mag kakaroon kasi tayo ng practice sabi ni Heris. Mamayang 2 pm. Bago kasi ang graduation may magaganap na program." turan niya.


"OHH?! Ganon ba? Aka— ay oo nga pala. Hindi ka nga pala kasama hehehe" napairap lang si Akira,  kaya ibinalik ko ang tingin kay Lisa.


"Oo. Kaya bumalik ka agad Sue ha? Magdala ka na rin ng extra t-shirts mo." Lisa


"Oo sige!" tsaka siya nagpaalam ulit dahil uuwi na rin daw siya para makapagpalit ng suot. At makapagdala ng extra tshirts para sa practice.


Biglaan ata? Hihihi pero excited din naman akoᕕ( ՞ ᗜ ՞ )ᕗ. Kasali kasi ako sa dance troup ng campus. At passion ko rin kasi ang pagsayaw kaya ako sumali. Hehehe


"Ahm... Sue, hindi na ako makakasabay sayo, nagmamadali kasi ako. Ihahatid na din kasi namin sila tita at insan. Sa probinsya naman daw kasi sila dadalaw. Hindi ako makakasabay kasi sa ibang bus stop ako sasakay."

"Mm. Sige ayos lang. Pero, talaga?! Ang bilis naman. Di pa nga uli kami nagkikita si Kenneth eh. Miss ko na kaya yung pinsan mong yun. " nagpaalam na rin siya pagkatapos dahil nagmamadali na nga talaga siya.


Ako? Eto naiwan uli sa bus stop at naghintay ng masasakyan.  May dalawang oras pa ako bago bumalik sa university. Siguro dapat kumain muna ako sa karendiya.

"Tama! Sakto gutom na talaga ako." tumayo ako mula sa pagkakaupo sa waiting shed.


Gutom na talaga ako. Hindi nga pala kasi ako nakakain kanina:( Eh syempre! Luto ko iyon kay Von, kaya naman hindi ko 'yon ginalaw kahit sarap na sarap ako sa luto ko.

*beeep beeep*

Maglalakad na sana ako paalis ng bus stop nang may kotseng huminto  at bumusina sa harap ko. Namilog naman ang mata ko nang makita si Hunter na nakadungaw sa bintana ng kotse habang kumakaway sa direksyon ko.

Itinuro ko ang sarili at tinanong kung 'ako ba?' Natawa naman siya tsaka tumango.

Naguguluhan man ay lumapit nalamang ako. "Hi Hunter! Hi Clinton!" Bati ko.

"Hi ma'am Sue." balik bati naman ni Hunter. Si Clinton nginitian lang ako.

Lumabas si Hunter at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat. "Sasama ako?"  tanong ko.

"Hahaha yes ma'am."

"Bakit?"

"Hmmm.... Napagutusan lang naman ma'am Sue hahaha," pumasok nalang ako dahil nakakahiya naman kung hindi, diba?

Pero, pansin ko lang ha. Bat ang happy ata ni Hunter ngayon? Anong meron?

Nasa byahe na kami at habang nakadungaw ako sa bintana ay pansin ko na parang pamilyar ang dinadaanan namin.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon