Chapter 51

42.8K 1.7K 165
                                    

Chapter 51

Seryoso at nakatingin ng diretso si mr. Perez kay Vaughn na hindi rin makikitan ng kahit anumang emosyon. Si Clinton naman ay nakatungo lang at hawak pa ang noo, hindi malaman kung tulog ba ito o wala lang talagang balak panoorin ang dalawa niyang kasama ngayon.

Wala si Sue dahil umalis at may kinausap sa kanyang cellphone, lumabas pa ito ng restaurant dahil hindi malakas ang signal sa loob.

“So, kumusta naman ang pag sasama niyo ng anak ko?” taas noong tanong ni Jasper na tila ginanahan, natutuwa at proud dahil natatawag na niyang anak si Sue. Kanina pa niya nais ngumiti ngunit pinilit niya ang hindi. Nakakahiya naman daw kasi kilala siya bilang isang cold at seryosong business tycoon hindi yun pwedeng mabago. Kailangan niyang manatiling kalmado.

“We're doing fine. We love each other.”

Napatango tango si mr. Perez. Kung magiging tapat siya sa kaharap niya ngayon ay aaminin niya na kahit kailan ay hindi niya gusto o inaasahan ang maging parte ng kaniyang pamilya si Vaughn na naging kalaban na niya sa business. Kahit na nalaman na niyang hindi si Vaughn o ang mga tauhan niya ang nagtangkang magnakaw sa kanilang kompanya ay wala parin siyang katiwa tiwala sa binata. Pero dahil mahal naman siya ng anak ay wala siyang magagawa kundi ang tanggapin na lamang si Vaughn.

Huminga ng malalim si Jasper at may nais sana siyang tanungin kanina pa ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin.

“M-may.... may anak na ba kayo?” tumikhim siya matapos magtanong. Sa wakas at nasabi niya rin. Kanina pa niya gustong malaman kung may nabuo na ba sa pagmamahalan ng dalawa besides kasal na sila.

“Dad.” diing sambit naman ni Clinton nang marinig ang tanong ng ama.

“Why? Nagtatanong lang ako, walang masama roon.” depensa niya, sinamaan naman siya ng tingin ni Clinton pero dahil sanay na ang ama sa ganong ekspresyon o gawi ng anak ay wala na siyang pakealam. Bakit ba? Wala naman talagang masama, nagtanong lang siya dahil may gusto siyang malaman.  Gusto niyang malaman kung may apo na siya. At kung meron man ay baka magtatalon na siya sa tuwa pero siyempre hindi niya parin yun magagawa sa harapan ng dalawa.

“We have.” pormal na sagot ni Vaughn.

Tumikhim muli ang matanda upang pigilan ang sarili. May apo na siya! Ano kayang kasarian? Kung lalake lang ay maganda iyon. Dahil marami na siyang nais ipamana rito at gusto niya ring maging heir ito ng pamilyang Perez. Excited na siyang makita ang bata.

“Really?”

“Yeah. But an adopted.” tugon niya. Tiningnan niya ang reaksyon ng matanda. Alam niya kasi na siguradong balak nitong gawing tagapagmana ang anak nila ni Sue. Kahit naman siya ay nais niyang maging tagapagmana ang anak, ampon man ito o hindi wala siyang pakealam basta nasa bata na ang kaniyang apelyedo para sa kaniya anak na niya ito, ang anong kaniya pag aari na rin ng bata.

Kahit si Clinton ay tiningnan rin kung ano ang magiging reaksyon ng ama malaman na ampon ang panganay nila Sue. Hindi nagbago ito at nakita nilang tumaas ang sulok ng labi nito.

“Sorry kung medyo matagal ako sa labas.” paumanhin ni Sue. Umupo na muli ito sa tabi ni Vaughn. “Vaughn wala ka bang trabaho?”

“I have. Pero ipinasa ko muna kay Hunter.”

“Ganon ba? Edi pwede mo kaming samahan?”

“May balak ka bang puntahan, Minmin?” tanong ni Jasper sa anak kaya napalingon ito sa kaniya.

Ngumiti ito ng matamis ngunit lumungkot naman ang mga mata nito, “Dadalawin po natin siya. Nangako kasi ako sakaniya na pag nahanap kita dadalhin kita sa kaniya.” sabi niya.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon