Chapter 54

41.8K 1.6K 154
                                    

Chapter 54

Nagising ang binatang si Clinton na kumikirot pa ang ulo at medyo nahihilo. Nilalamig din siya at napansin wala pala siyang suot na pang itaas at kahit pambaba.

Naghilamos nalamang siya at nagbihis dahil naalala niyang papunta pa nga pala siya sa mansion ng kaniyang amo. Pagbaba niya agad niyang tinawag ang kaniyang katulong upang tanungin kung nakahanda na ba ang kaniyang almusal.

Patakbo namang lumapit ang katulong sa kaniyang amo na pababa palang ng hagdan.

Serr, mano-nosebleed na po ata ako. Yung bisita niyo po kasi hindi ko maintindihan. Huhuhu,” naiiyak at nakahawak sa ilong niyang wika. Ito ang katulong na palaging tinatawag ni Clinton. Hindi naman sa paborito ngunit ito ang madalas niyang utusan lalo na sa mga importanteng bagay. Ito lang ang pinapapasok niya sa kaniyang kwarto at siyang tanging inaatasan niyang maglinis rito. Mas matanda sakaniya si Anne.

Kumunot ang noo ni Clinton. Bisita? Wala naman siyang natatandaan na bisita. Si Hunter kaya yun? Isa pa.... isa ang ipinagtataka niya dahil wala siya halos maalala kagabi liban sa pagmemeeting nila sa bahay ni Vaughn at pagsundo niya kay Akari.

Speaking of... Babae ba siya?” mabilis na tanong niya.

Sunod sunod namang tumango si Anne. Nasa dinning room po siya ngayon at sinusubukan ko pong pahigupin ng maiinit na sabaw dahil... medyo lasing po kasi siya.”

Agad na nagpatuloy sa paglakad si Clinton na humihikab pa kung minsan dahil inaatok pa. “Anne. Prepare me a soup, too.” utos niya.

Masusunod po.”

Pagdating ni Clinton sa kusina ay naabutan niya si Akari na naka upo at nakasandal sa upuan habang nakatingala at nakapikit ngunit tumatawa naman. May kausap siya sa kaniyang hawak na Cellphone na baligtad pa habang nakadikit sa kaniyang taenga.

Bilisan mo ha? Hehehe.... Ja!(bye)pagkatapos ay binitawan na niya ang kaniyang cellphone na bumagsak sa sahig.

Akari.” napalingon naman sakaniya ang dalaga.

Dosh'ta?(what's up) tanong niya na gumalaw ngunit ibinagsak namanang pisngi sa lamesa. Nakalaylay din ang kaniyang mga kamay. Nakaharap naman siya kay Clinton at tamad na tamad at antok na antok na nakatingin sakaniya.

Napabuntong hininga si Clinton at lumapit sa kaniya. Umupo sa tabi ni Akari at ginaya ang posisyon niya. Nakaharap siya kay Akari.

Naniyatteruno? (what are you doing)

“Don't understand you, woman.”

Nandemo (whatever)

Umayos ng upo si Clinton at hinila ang platong nasa harap ni Akari na may sabaw. “Eat this. Habang mainit pa.”

“Hindi ako gutom...” pero nang sabihin niya yun nagreklamo naman ng kaniyang tyan.

“You're body say's you are.”

Sumama naman ang kaniyang mukha, Kuso!(damn)

***

PRESENT

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon