Chapter 57

39.9K 1.6K 134
                                    

Chapter 57

“Gosh! Ang cute cute mo talaga Eren!” sigaw ni Navi na pinisil ang pisngi ng batang katabi.

“Hoy Navi, itigil mo nga yan. Hindi siya nakakakain ng maayos dahil sayo eh.” suway naman sa kaniya ni Akari.

Napanguso si Navi at umayos na ng upo. Pero nilalagyan naman ng mga pagkain ang plato ni Eren. “Yan. Masarap yan. Si Kenjie mismo ang nagluto niyan kaya siguradong masarap.”

“Salamat po.”

“Yieee! You're welcome. Basta sa baby Eren namin. Hihihi. Eto pa, para healthy.”

Natuwa si Sue makitang gusto ng kaibigan ang kaniyang anak. Samantalang si Akari ay napailing nalang.

Ipinagpatuloy ng lahat ang pagkain kaya medyo naging tahimik ang paligid.

“Nga pala. Bakit napauwi ka?” tanong ni Navi tinutukoy ang binatanh si Kenneth.

Ngumiti naman ito, “Ipinadala ako para sunduin si Akari-chan.”

“Huh?”

“Busy sila tita kaya ako na ang ipinadala.”

Gusto mang magtanong ni Clinton kung bakit kailangan sunduin pa si Akari at saan ito pupunta ay hindi niya kaya. Curious siya pero nahihiya naman siyang magtanong...

***

The Next Day.....

“Von!!!! Bilis! Baka hinihintay na tayo ni Eren!!!” sigaw ni Sue habang hindi mapakali sa loob ng kotse hinihintay ang asawa na papasok palang ng kotse. “Mamaya ka na pauwi magpalit, okay? Lets gooo!” aniya. Hindi pa kasi nakakapagpalit ng suot si Vaughn dahil kagagaling lamang sa trabaho.

“You're too excited.”

“Palagi naman akong excited sa pagsundo kay Eren galing school diba? Hihihi!”

Nang makarating sila ng school wala pang mga estudyante ang lumalabas.

“See? Maaga pa.”

“Sakto lang kaya hubby. Tingnan mo oh! Parating na sila.” lumabas na ng kotse si Sue upang hintayin sa gate si Eren gaya ng palagi niyang ginagawa. Nagpaiwan lamang si Vaughn na sinusulyapan ang asawa.

Napalingon si Vaughn sa lalakeng may dalang malaking regalong kahon. May nakasabit pang mga lobo sa ribbon na nakatali sa regalo. Galing ito sa school kaya naagaw ng atensyon niya ito. Pumasok ang lalake sa isang itim na kotse kasama ang regalo pagkatapos ay umalis na ito at nilagpasan ang kaniyang kotse.

Nang ibalik niya ang tingin niya kay Sue ay sakto namang nilingon siya nito ng may nag aalalang tingin. Nakaramdam siya ng takot dahil ngayon niya lang nakita ang gantong reaksyon ng asawa. Si Ellie ang kausap nito kaya hindi niya alam kung ano ang pinag usapan nila pero nang ilibot niya ang kaniyang tingin doon niya nahulaan kung bakit.

Agad siyang lumabas ng kotse at nilapitan si Sue. “What's wrong?” tanong niya.

“V-Von! Si Eren! N-nawawala.” naiiyak nang wika niya.

Nilingon niya si Ellie. “Nagpaalam lang po siya kanina na magc-cr lang saglit. Sinamahan ko po siya at hinintay pero hindi na po siya lumabas. Hinanap ko po siya sa buong cr pero wala na pong Eren akong nakita.” si Carl na kanina pa umiiyak dahil nag aalala na rin kay Eren.

Doon naalala ni Vaughn ang lalake kanina. “Hey kid. Bukod kay Eren. May ibang tao pa bang pumasok ng cr?”

Napasinghot naman si Carl pagkatapos ay pinunasan ang ilong. Tumingala siya at inalala kung meron ba. At nang may maalala agad siyang sumagot, “M-meron po! May lalakeng may dalang malakiiiing regalo ang pumasok pagkatapos pumasok ni Eren. Binigyan pa nga po niya ako ng lobo.” pagkatapos ay ipinakita ang kanina pa hawak na pulang lobo.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon