Chapter 58

39.8K 1.7K 217
                                    

Chapter 58

“Boss, may nagpadala po sainyo nito.” wika ng secretary ni Vaughn na may dalang envelope pagkapasok. Inilapag niya ito sa lamesa sa tapat ni Vaughn. “Sinabi po ni Lea na hindi nagpakilala ang nagbigay.”dagdag pa niya.

Kinuha naman ito ni Vaughn at binuksan. “You can leave.” yumuko naman si Ruby pagkatapos ay lumabas na ng office.

Mula sa loob ng envelope mayroong isang malaking letrato ang narito. Litrato lang at wala nang iba. Nandilim ang mga mata ni Vaughn at nakusot ang hawak na envelope dahil halos kumuyom ang kaniyang kamay. Ang nasa litrato kasi ay si Eren na nakayuko at nakayakap sa kaniyang mg tuhod habang nasa loob ng isang malaking hawla na katulad lamang ni Eren ang kasya. Mas lalong nag init ang kaniyang ulo makitang may pasa ang bata sa kaniyang braso.

*BLAG*

Padabog niyang inilapag sa lamesa ang litrato kaya tiningnan ito ng lahat. “I swear. I will kill all those bastards!”

Nainis din ang iba makita ang bata sa litrato. “Pipira-pirasuhin ko talaga ang mga siraulong yun.”

***

“Hello gentlemen. What do you want from me?” nakangiting tanong ni Max pagkapasok niya sa conference room kung saan isinasagawa ang private meeting ng grupo ni Vaughn. Dumating siya matapos siyang tawagan ni Clinton at sinabing importanteng pumunta siya.

“Hi!” bati naman ng kasama niyang dumating na si Kenneth. Nakasuot ito ng kulay dilaw na hoodie jacket, jogging pants at rubber shoes. Samantalang si Max ay naka suot ng asul na polo, itim na medyo fitted na pantalon na tupi ng konti sa laylayan, at black shoes.

“Kasama ko siya.”

“Kita nga namin.”

“Oh! Gomen(sorry). By the way, I'm Kenneth. Akari's cousin.” nakangiti niyang pagpapakilala na bahagya pang yumuko.

“So. Anong importante ang sasabihin niyo saakin?” tanong ni Max. Makitang seryoso ang lahat ay naisip niyang mukhang may nangyaring hindi maganda.

“Na kidnapped si Eren.” si Finn na ang sumagot.

“Then. Ano pang ginagawa niyo? Why are you all still here?” tanong niya.

Kumunot ang noo ng lahat na naatingin sa kaniya, “Don't stare at me like that. Hindi ko kailangan mag alala dahil marami kayo na pwedeng iligtas siya.”

“I agree. Pero.... feeling ko hindi ko talaga kailangan mag alala eh.” tatango tangong sabi naman ni Kenneth.

“What do you mean?” tanong ni Clinton.

Sasagot na sana si Kenneth pero naagaw ng pansin nito ang card na hawak ni Vaughn. Nakita ni Vaighn na sa hawak niya nakatingin si Kenneth. “You know this? Navi gave me this. Sabi niya alam ni Max kung saan dinala ng mga kidnapper si Eren.”

Kinuha ito ni Kenneth dahil amilyar sa kaniya ang card na ito. At nang makumpirma ay agad niyang nilingon si Max. “Dude.”

Tiningnan ni Vaughn ang card na hawak ngayon ni Kenneth. Kulay silver ang card at makintab ito. Walang ibang design kundi ang salitang ‘Murphy’ lang ang nakasulat na tanging makikita rito.

“Ano bang card yan?”

“This is.... mine.” napahilot ng sintido si Max. Paano nakuha ng babaeng yun ang card niya? Kailan pa? “Good news.”

“What?” sabay na tanong ng lahat liban kina Clinton, Vaughn at Kenneth.

“I know where they took Eren.” aniya. “Bad news.” he sighed. “They're gangster.”

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon