Simula

115K 3.7K 687
                                    

Chapter 0: Kidnapped by Uzzlang boys

SUE'S POV:

*bus stop*

"Oh, sige Sue una na ako. Bye!" Ngumiti naman ako ng pagKA lapad lapad tsaka kumaway sakaniya.

"Ingat ka bess!"

Psh. Ayoko muna umuwi..... baka utusan na naman ako agad ni tsang. Eh hindi pa nga lang ako nakakapag pahinga. Sakit pa nga ng likod ko.


Buti nalang at hindi ako nag kaka eyebags kahit paminsan napupuyat ako. Kahit kasi gabi pinaglalaba nila ako huhuhu.



Nang makitang 6 pm na ng hapon ay napagpasyahan ko nang umuwi at pumara ng bus.



Ang kaso walang masyadong bus. Sinusubukan kong pumara ng taxi kaso iniiwasan ako.



Huhuhu pano na toh?



Pero hindi naman ito first time na nangyare.


"Hayyy... mukang maglalakad na naman ata ako pauwi."


Ano ba yan! Doble pagod pa pala ito-,-. Inilabas ko sa bulsa ko yung nag iisang lollipop ko tsaka ito isinubo. Pero syempre tinanggalan ko pa ng plastic.


Habang naglalakad ay may biglang humarang sa daraanan ko na black at tinted na tinted na van. Wow! Ang cool. Ang galing naman.


Pero napakunot noo ako habang nakatingin rito. "Anong meron?"



Bumukas agad yung pinto at iniluwal nito ang dalawang matipunong lalake. Ang gwapo, para silang mga uzzlang boys sa fb. Hihihi.


Hayy... Gusto ko nang umuwi para makapagtrabaho tapos makapanood ng Doraemon sa phone ko. Buti nalang may pang YouTube pa ako. Bukas na expiration kaya susulitin ko na mamaya.



Maglalakad na uli sana ako nang may humawak sa magkabilang braso ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang yung dalawang lalake yun kanina galing sa cool na van.



Kinabahan naman ako bigla. Pano nalang kung bad guys sila diba? Huhuhu....



"A-ano po kailangan niyo sa-sakin?!" nauutal kong tanong sa kanila.


"Sumama ka nalang miss." sagot nung nasa kanan.



Ang gwapo tas ang cute parang gusto ko pisilin pisngi niya. Hihihi


PERO ANO DAW?! SUMAMA?!



"P-pero--mmm!" hindi ko natuloy ang sasabihin nang tinakpan niya ang ilong ko gamit ang panyo.



Hindi ko alam pero inaantok ako matapos nun. Unti unting bumibigat ang mga talukap ng aking mata hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyare dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.


-

"I gave you a photo right? PERO BAKIT IBANG BABAE PARIN ANG DINALA NIYO RITO HA?!"


Nagising ako dahil sa sigaw na sobrang sakit sa tenga.



Grabe naman, alam na nilang may natutulog rito eh. Ngayon na nga lang nakapagpahinga ng ganto ang tao. Huhuhu nakikipag chikahan na ako kay Doreamon sa paginip ko eh. Hihingi na rin sana ako ng gadget na makapag--



"I'M ASKING YOU BITCHES!" sigaw uli niya, kaya hindi na ako nag abala at bumaliktwas ng upo.



"Yahh!" sigaw ko na naka agaw naman agad ng atensyon nila. Humalukipkip ako at napasimangot. "Kita nang may natutulog rito eh. Ang iingay niyo. Mga istorbo sa pagtulog. Psh. Mag bulungan nalang po kayo pwede? Hehehe" ani ko.



Nakita ko naman silang tulala. Yung sumisigaw kanina nakakunot ang noong nakatingin saakin.



Siguro naman naintindihan na nila ako hihihi. "Ok. Sige tuloy niyo na yan. Basta walang sigawan ha. Pahinga na ako. GOODNIGHT labyu" tsaka ako muling humiga at itinuloy ang pag idlip.

"Ang cute niya."


"Agree."


"THE F*CK?!"


-Itutuloy-

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon