Chapter 21

62K 2.3K 178
                                    

THIRD PERSON's POV:

"Hey! Wife, wait!"

"Bakit Von? Sabihin mo na dahil nag mamadali na ako."

"Where's my.... where's my goodbye k-kiss?" nauutal at kinakabahang tanong ni Vaughn. Nabigla siya nang nakasimangot na naglakad palapit sakaniya si Sue.

Babawiin na sana niya ang sinabi dahil ayaw naman niyang magtampo sakaniya ang asawa ngunit ang mas lalo niyang ikinagulat ay ang pagdampi nito ng labi sa kaniyang labi. Sineryoso nya??

Pagkatapos siyang halikan ay agad siya lumabas ng kotse at nakangiting nag paalam. "Babye!"

Nang makaalis na ang dalaga hindi naman maiwasang mapangiti ni Vaughn.

Napairap na lamang siya tsaka tumuloy na sa pag alis.

Habang si Sue naman....

"Enna wan, tu, tri! Waaah! Quimson sinabi nang lumuhod ka! Lagyan mo den ng feelings ganern! Pram da tap! Enna wan, tu, tri— SUEEEE!" nang makapasok ng gymnasium si Sue kung saan abalang nag prapractice ang mga kasama sa sayaw.

"Hehehe. Sorry Dolly kung na late ako ha. "

"Hay naku, okey lang. Besides ngayon ka lang naman nalate. First time!" Totoo naman iyon. Kasi kapag usaping dance practice siya lagi ang nauuna sa meeting place. "Osya, dahil kararating lang ni Sue. Ie-explain ko uli yung idea para sa ating magiging performance."

Hindi naman sila nagreklamo dahil pagdating kay Sue alam nilang may dahilan siya.

"Ano ba yun Dolly? Anong idea?"

"Ganto kasi yun. Dahil sa yung party para saatin ay gaganapin ng umaga at matatapos ng tanghali."

"Eh? Talaga?"

"Oo, kasi may program ng tanghali hanggang hapon, tapos sa gabi naman may event na magaganap para sa mga teachers. Mabuti nga yun dahil kapag gabi edi baka mauwi naman tayo ng madaling araw?"

"Hmm. May point ka. Tsaka pag gabi, hindi ako papayagan.*pout* So ano nga yung idea na naisip niyo?"

"Diretsuhin mo na kasi Dolly para makapag simula na din tayo uli." singit ng isa sa mga kasama nila.

"Oo, eto na nga oh. Ang naisip kasi namin na idea ay mala Disney. May gaganap na Cinderella and his prince, Snow White and his prince at si Jasmine with his Aladdin. Oh diba bongga? Pero syempre more on dancing and music. And acting na din pala hahaha. No dialogue dahil sa sayaw niyo ipapakita yung actions. Ganun. 3 minutes bawat kwento. " Paliwanag niya. At gaya nga ng inaasahan niya at ng lahat, nagliwanag ang mga mata ni Sue.

*clap clap clap*

"Woah! Best idea Dolly! So sinong magle-lead ng role ng mga princesses?? Ikaw ba Lily? O baka naman ikaw Vivienne? Hihihi bagay niyo." Pero umiling sila kaya nagtaka si Sue. "Kung hindi kayo eh sino? Dolly?"

"Ikaw, Sue" sabay sabay nilang tugon.

"A-ako?" Di makapaniwalang tanong niya habang nakaturo pa sa sarili.

"Oo, Sue ikaw." napa hala na lamang si Sue, "Okey guys! Let's start our practice na uli! Pero ide-demonstrate ko uli para maintindihan niyo ng mabuti. Dahil marami parin ang naguguluhan." At nagsimula na nga uli sila sa pag prapractice.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon