Chapter 2

87.4K 3.1K 336
                                    

Chapter 2: "Vaughn not Von"

SUE'S POV:


"Ahm... pwede na po ba akong umuwi?" nahihiyang tanong ko. Nandito kami sa may sala ng mansion nila. Huhuhu sana ol.



"Hunter."




"Yes boss?"



"Take her home." Agad namang nag shining shimmering ang mga mata ko nang iutos niya yun kay kuya Hunter.




"Yey! Makakauwi na ako!"





Masaya akong napasigaw pero may naalala ako bigla. "Kuya Clinton ano na pong oras?" Tanong ko. Tiningnan naman niya ang relo niya.




"9 pm na ng gabi ma'am." nanlaki naman ang mga mata ko at unti unting nawala ang ngiti ko nang marinig ang sagot niya.




"Na-...9 na ng gabi?" nabalot ako ng takot at kaba nang marinig iyon. Alas nwebe na.




'Tsang! Ilabas niyo ko rito please! Huhuhu.... Tsang! Pakiusap ilabas niyo ako rito... pakiusap...'




Lagot ako kay tsang.... "Baka maikulong na naman ako sa basement..." wala sa sarili kong bulong na napahigpit ang hawak sa palda ko.




"What did you just said?" napalingon ako kay mr. Von.




"S-sabi ko... G-gusto ko na pong umuwi mr. Von." sambit ko na pilit na ngumiti.



"Please...."



"Ma'am Sue..." -Hunter



THIRD PERSON'S POV:




Bigla silang nakaramdam ng awa nang makitang nakangiti si Sue ng mapait habang nangingilid pa ang mga luha.




"HUNTER! Take her home now." Madiin na utos ng binatang si Vaughn na agad naman niyang sinunod.



"Tara na ma'am" tumango naman si Sue at sumunod kay Hunter.


THAT WOMAN...



Hindi mawala ang tingin ng binatang si Vaughn sa papalayong na dalagang si Sue.



"Tsk. My name is Vaughn not Von."

-


"Salamat kuya Hunter ah." nakangiting pasasalamat ni Sue kay Hunter.




"Wala yun ma'am. Tsaka hindi niyo na kailangang tawagin akong kuya dahil mag kaedad naman tayo. "




"Hehehe. Ok, ku-- este Hunter. Sige na uwi ka na. Babye!" ngumiti naman ang binatang si Von bago bumalik at sumakay sa kaniyang kotse. Pinandar niya na ang makina at bago umalis kumaway pa ito sa dalaga.



Nang makaalis na siya ay napalingon si Sue sa kanilang tahanan. At kinakabahan sa susunod na mangyare sa oras na pumasok siya rito.





Dati saya ang nararamdaman niya sa twing uuwi siya galing eskwelahan kahit pa anong oras siya umuwi. Dahil may sasalubong sa kaniyang ngiti at yakap na mula sa kaniyang ina.




Ngunit ngayon iba na.... huminga siya ng malalim bago tuluyang maglakad at pumasok na.




Pagpasok niya ay naabutan pa niya ang kaniyang tsang kasama ang dalawang pinsan niyang kambal na nasa sala at abala sa panonood sa telibisyon.




"N-nakauwi na p-po ako..." kinakabahang sambit ng dalaga na tila pahina ng pahina ang boses.




Napalingon sila sa dalaga at tinaasan pa ng kilay ng kaniyang mga pinsan.




"Naku ma. Mukhang gumala na naman yang si Jasmine." bulong ni Reign sa kaniyang ina na nakapagpainit naman ng ulo niya.





"Jasmine!" singhal ng kaniyang tiya at pinuntahan pa ito. Napako lamang si Sue sa kaniyang kinatatayuan habang nakatungo at hinihintay ang galit na galit niyang tsang.




"A-aray! Tsang masakit huhuhu... Tsang..." daing niya matapos siyang sabunutan bigla ng mahigpit na halos mapunit ang kaniyang anit.




"San ka na naman ba galing ha?! Hindi ba sinabi ko nang wag kang uuwi ng gantong oras ha?!" singhal niyang muli na kinurotkurot pa si Sue sa braso.




Biglang kinabahan si Sue nang makitang hawak na ng kaniyang tsang ang kanilang walis tambo na handa nang ipalo sa kaniya.




"Alam mo! Punong puno na ako sa yong bata ka!" Tsaka niya malakas na pinalo ang dalaga na tumama sa kaniyang braso.




"Tsang!" wala siyang magawa kundi ang tiisin ang mga pananakit sa kaniya ng mga ito.



SOMEONE'S POV:



I clenched my fist at hindi makapaniwala sa nasaksihan.




"Tsk." singhal ko na napahigpit sa paghawak saking manibela.




Pinaandar ko na ang makina ng aking sasakyan tsaka ito mabilis na pinaharurot paalis sa lugar. Narinig kong tumunog ang aking cellphone kaya binasa ko kung ano ang nakasulat sa text na natanggap ko.



Message from Master,

Reese, come to my office now.


------itutuloy

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon