Chapter 1

95.1K 3.5K 886
                                    

Chapter 1: Continuation

SUE'S POV:

"THE F*CK?!"

Napabaliktwas ako uli nang mapagtanto ko ang isang bagay. Napalingon ako sa kanila at hindi ko mapigilang--...

Teka...


"Waaaaaahh! N-nasan ako?! San niyo dinala?! B-bakit parang hindi ito bahay namin?" sigaw ko.


Huhuhu...Nasan ako? Hindi ko ito kwarto ah. Ang laki laki tapos ang ganda ganda parang yung mga mayayaman na karakter sa napapanood kong pelikula.


Sana all malaki bahay. Pero nasan ako? Kaninong mansion ito? Teka... Baka pwede akong mamburaot? Kahit piso lang pamalit sa nahulog na lollipop ko kaninang dinukot ako nung mga mukhang kpop boys? Huhuhu lollipop ko~


"Who are you miss?" Tanong nung lalakeng mukang demon pero gwapo na sigaw ng sigaw kanina.


Napaturo naman ako sa sarili ko, "A-ako po?" magalang na tanong tutal mukhang mas matanda siya sa akin ng 2 o 3 taon.


Halos mapaigtad naman ako sa gulat nang sumigaw siya, "ARE YOU STUPID?! OF COURSE I AM REFERRING TO YOU BECAUSE THERE IS NO OTHER WOMAN HERE EXCEPT YOU!" inilibot ko ang paningin ko at totoo ngang ako langang babae dito. Ah.


Napanguso naman ako, "Ikaw naman, nagtatanong lang eh," nakayuko kong tugon. Pero napakunot ako ng noo at lumingon sa kaniya.


"Teka nga, kayo nagdala saakin rito ah. Bakit niyo ako tinatanong kung sino ako? Ano ba kailangan niyo sakin mga kuya ha?" Pinaglololoko ata ako ng mga gwapong ito. Sila nagdala sakin rito tapos magtatanong sila kung sino ako?!



"Ahm.... miss, sorry ha. Nagkamali lang kasi kami ng dinukot," Paumanhin nung poging nasa kanan. Isa sa mga dumukot saakin kanina.



Eh? "Ganon po ba? Ah... naiintindihan ko na." napatango tango pa ako. "Hayss. Dapat kasi kuya nagtanong ka muna bago mo ako dukutin. Sasagutin naman kita eh. Hm?" Hayyy.... siguro sa mga oras na ito naghubugas na ako ng plato o di kaya kumakain na. Tsk.tsk.tsk.


"Sorry talaga, miss."



"AISHH! HUNTER, CLINTON. IBALIK NIYO NA NGA YAN! BAKA KUNG ANO PA MAGAWA KO SA BABAENG YAN." grabe ang sungit talaga huhuhu.


"Ye-yes boss."lalapitan na sana nila ako nang mapahinto sila, kahit ako napako rin sa kinauupuan nang biglang kumulo yung tyan ko.



"Ahm.... Hehehe pwede bang makikain po muna? Kagabi pa ako di kumakain ehh... Hehehe pwede po ba?"

-

"Ma'am talaga po bang kagabi ka pa di kumakain?" napahinto naman ako sa pag lamon nang magtanong si kuya Hunter.


"Ahm... Opo." Tugon ko na ikinalaki naman ng mata nilang dalawa ni kuya Clinton. May nakakagulat ba sa sinabi ko?



"Really?!" di makapaniwalang tanong ni kuya Clinton.


"Pero! Sanay naman na ako. Minsan nga nakakaabot ako ng tatlong araw hehehe..."

"TATLONG ARAW?!" -Clinton/Hunter

*blagg*

Napaigtad akong muli sa gulat nang padabog na inilapag ni mr. Von yung kutsara niya.


Grabe naman nakakagulat siya. Kung may sakit lang siguro ako sa puso baka kanina pa ako inatake at baka patay na rin ako. Pero laking salamat ko naman at wala ako nun.


"Magkano ba ang kailangan mo?" malumanay pero madiin ang pagkakatanong niya non. Hindi siya nakaharap sa amin kaya hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya sa aming tatlo.


Napatingin ako kina kuya Hunter at bumulong.


"Kuya Hunter, ikaw ata tinatanong..." bulong ko pero umiling sya. Ayaw niyang sumagot dahil mukhang kagaya ko takot din magsalita.


Kay kuya Clinton naman ako ngayon bumulong. "Kuya Clinton, ikaw ata--" hindi ako natapos sa pagtatanong nang sumigaw muli si mr. Von.


"I'm asking you woman." Dahan dahan naman akong napalingon sa kaniya at halos mapalunok ako ng laway nang makitang nakakatakot niyang aura.


Alam niyo yun guys? Yung parang sa anime na nandidilim yung mukha? Parang ganon. hehe



"I said, HOW MUCH DO YOU NEED, WOMAN? TO TELL SOMETHING IN FRONT OF ME TO JUST HAVE MERCY ON YOU? HUH?" tiim bagang na tila nagpipigil ng galit na tanong niya saakin.

Napakunot noo naman ako. Magkano? Seryoso siya? Bibigyan niya talaga ako?!

Hmmm.... Well,

"Piso." matapang kong sagot sa kaniya.

Napakunot noo naman siya. "PISO?" tumango ako.

"*smirk* you mean 1 thousand?" Umiling ako.

"100 thousand?" Luh ang laki naman piso lang yun guys ha. Iba siguro ang piso para sa kaniya.

"Ang ibig kong--" hindi na naman niya ako pinatapos nang bigla siyang tumawa. Hala! Hindi kaya psycho si mr. Von guys?! Huhuhu nakakatakot naman kung ganon.

"Ah! You mean 1 million pesos?" Nakangisi niyang tanong tsaka tumawa ng malakas.

May sira ata ang ulo guys huhuhu-,-


"Pe-pero.... piso yung sinabi ko. Pano naman naging 1 million ang piso?" Napakunot noo uli siya. Sila kuya Hunter naman bahagyang natawa. Luhh. Tama naman ah.


"Sir hindi po ba kayo--" napahinto ako nang maisip ang kung ano. "Naku! Kung mahina po kayo sa math sir pwede ko po kayo turuan. Hehehe... Don't worry libre yung pagtutor ko pramis. Hihihi. Basta sayo yung meryenda. Kahit pepsi tapos isang hansel solve na. Hahaha ano? Deal?" Nakita ko namang mas nag init ang ulo niya. Habang sila kuya Hunter mas lumakas ang halakhak.



Hala! Huhuhu ano na naman ba nasabi kong mali? Ako na nga tong tumutulong eh... Huhuhu

-----itutuloy

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon