Chapter 66

40.5K 1.7K 313
                                    

Jasmin Sue's point of view:

Muli ko siyang niyakap para sa huling pagkakataon. Huhuhu mamimiss ko talaga ang besprend ko.

"Ingat ka palagi doon ha. Wag ka masyadong papa-stress. Wag ka papagutom. Matulog ka ng maaga at wag mong pababayaan ang sarili mo. Kenjie ingatan mo itong bespren ko ha. Kapag may nangyari sakaniya ha-huntingin talaga kita! Huhuhu bess~~~"

"Oo na. Wag kang mag alala. Tsaka wag ka nang umiyak. Para ka na namang bata niyan eh. " aniya Akari na bahagyang kinurot ang pisngi ko.

"Pfft. Kung makapag bilin ka Sue-chan parang ikaw itong boyfriend ah. Hahaha" tumatawa na sabi ni Kenjie. Oo hindi ako yung boyfriend niya pero best friend naman niya ako.

"Oo nga. Hahaha Jasmin dapat yung boyfriend para siguradong susunod ang kaibigan natin. " payo ni Navi pag katapos ay kumindat. Tumango pa siya at tinuro ang kakambal ko..

Nakasimangot kong pinuntahan si Clinton na nasa gilid lang at tahimik na nanonood saamin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila palapit kay Akari.

"Oh ayan. Kuya Clinton, ikaw na magbilin para mas maganda. Hmp! " sabi ko. "Akari, mag iingat ka ha. Hihihi" pagkatapos ay hinalikan ko pa siya sa pisngi.

"M-mm. Ikaw din. " nagpaalam na din ako dahil may pupuntahan pa kami ngayon nila Von at Eren.

"Akari-chan, bilisan niyo. Kailangan na nating pumasok, 4 minutes nalang. "

Akari's point of view:

I don't know what to say ngayong nasa harap ko na siya. Ni hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata. Dahil feeling ko pag ginawa ko baka...

"Babe." I gulped. Hearing his husky voice calling me babe makes my face reddish and my heart beats fast. fuck. I can't breathe. Kalma Jiro. Kalma.

"Y-yes?" tanong ko na nakatungo parin.

Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay at hinila palapit sa kaniya dahilan para mayakap ko siya. What the?! "H-hoy! Maraming tao anong ginagawa mo?" gusto kong magpumiglas at itulak siya palayo pero hindi sumasang ayon at sumusunod ang katawan ko. "N-nakakahiya."

"Pfft. Cute." he hugged me and stroke my hair. Naramdaman ko pang inamoy niya ang buhok ko pagkatapos ay may saglit na dumikit sa ulo ko. I blushed. "I will miss you. But I'll wait for you. Ill wait for you so please.... please come back to me after 6 years." sabi niya.

Tumango na lamang ako habang nakayakap sa kaniya. "Hmm."

"Don't meet or befriend with another guy there. " bilin niya.

I nodded, "Hmm."

"Don't cheat on me."

"Hmm."

"And Blind date is forbidden, Akari."

I want to laugh. Cute daw. Eh mas cute kapa ngayon kung makapagbilin sa akin.

"Hai. Hai. Wakatta. " sabi ko at tinap ang likod niya.

"Dude, bitaw na. Kailangan na naming pumasok. " si Kenjie na hinawakan ang balikat ko at hinihila.

Naramdaman kong mas humihigpit ang yakap saakin ni Clinton kaya naman tinapik tapik ko na ang likod niya. "C-Clinton... I can't breathe. "

"I love you so bad that I can't even let you go Akari. Please don't go. " ano na ito? Ayaw na akong bitawan jusko!

"Clinton kailangan ko nang umalis. Bitawan mo na ako"

"No."

"Clinton."

"I can't. " pano na to

"Haysss. Sinasabi ko na nga ba  mangyayari eto eh. Mabuti at tamang timing ang dating ko." hindi ko masilip kung sino yung nagsalita pero pamilyar saakin ang boses niya. Si Hunter! "Don't worry, Akari, leave this punk to us. Guys grab him. " maya maya pa ay may tatlong lalaki ang lumapit saamin at pwersahang hinila si Clinton.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon