Chapter 27

60.4K 2.3K 753
                                    

Chapter 27

THIRD PERSON's POV:

Gabi na at napagdesisyonan nang umalis ng dalawang binata.

“Sige Ma'am Sue, sibat na kami.” pagpapaalam ng binatang si Hunter bago pumasok sa kaniyang kotse.

Ngumiti naman ang dalaga tsaka kumaway, “Mm! Ingat sa pagmamaneho ha! Hihihi” malambing na aniya.

“Thanks, Sue. Good night.” tipid ang ngiting sambit ni Clinton sa dalaga na ginulo pa ang buhok ni Sue.

“Good night din, Clinton. Babye!”

Nang makaalis sila ay dumiretso ng kusina si Sue. Naabutan naman niya roon ang ilang mga tagapagsilbi sa masyon.

Nang makita siya ay sabay sabay silang yumuko rito bilang pag galang.

“Naku! Wag na po kayong yumuko. Masakit po iyan sa batok at likod hehehehe.” aniya.

“Trabaho po namin ang pagsilbihan at galangin kayo ma'am Sue bilang asawa ng aming amo.”

“A-ah... Hehehe. Tumayo na po kayo ng maayos, sige kayo sabihin ko kay Von na bawasan ang inyong sweldo.” kunwaring banta niya. Nagkatinginan naman ang mga ito bago sinunod ang dalaga. Napangiti naman siya, “Hihihi. Sasabihin ko kay Von na dagdagan niya ang sweldo ninyo. Hihihi,”

“N-naku, ma'am hindi na po kailangan.”

“Ma'am nakakahiya po. Baka po—”

“Ako bahala, hihihi. Ano pangalan niyo po?”

“Ako si ho Neneth” pagpapakilala ng katulong na mukhang nanay na ang itsura.

“Ako naman po si Helen.” sabi naman ng katulong na ilang taon lamang ang tanda kay Sue.

“Ah! Masaya po akong makilala kayo. Nga po pala. Pwede po bang ahm.... gusto ko po kasi sanang ako ang magluto ng hapunan para kay Von hehehe. Pwede po bang maiwan ako rito?” aniya na nahihiya pa.

Nagkatinginan naman sa isat isa ang dalawang katulong bago uli nilingon si Sue, “Lulutuan niyo po si serr?”

“Opo sana hehehe.”

“Kung gusto niyo po ay tulungan na po namin kayo sa pag hahanda ng mga rekado.” nakangiting sabi ng katulong na si Helen.

Nagning ning naman ang mga mata ni Sue nang marinig ang alok ng katulong, “Talaga?? Yey! Sige, sige! Hihihi. Ang balak ko sanang lutuin ay adobo. Mukha kasing paborito iyon ni Von.”

“Sige po ma'am at tutulungan na po namin kayo.”

“Waaah! Salamat talaga! Hihihi”

-

Matapos nilang magluto ay agad na pinuntahan ni Sue ang asawa sa kanilang kwarto na tutok sa kaniyang laptop,“Vooooooon!”

Hindi siya nilingon ni Vaughn ngunit ngumiti siya ng tipid nang marinig ang boses ng dalaga, “Yes, hon?”

Masayang lumapit si Sue kay Vaughn at pinindot kaniyang balikat, “Handa na ang hapunan. Tara! Kain na tayo.” aniya.

“Sure. I just need to finished this things, then I'll go.” sagot naman ni Vaughn na hindi padin nililingon si Sue.

“Huh? O-oh sige. Hihintayin nalang kita hihihi. Ano ba yan?” kinuha niya ang isa pang upuan na kulay asul tsaka hinila papunta sa tabi ni Vaughn at doon umupo.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon