Chapter 24

60.8K 2.3K 322
                                    

Chapter 24

“Oh? San—san ka pupunta Jasmin?” tanong ni Ate Leign nang makalabas kami ng kwarto ni Von na hila hila yung bagahe ko.

“S-sasama po kay Von.” sagot ko naman.

Pinisil ni Von yung hawak na kamay ko kaya nilingon ko siya, “We'll wait you outside.” sabi ni Von kaya tumango naman ako.

Nang makalabas na sila ay nilingon ko naman sila Ate Reign para magpaalam na.

“At sa tingin mo papayagan ka ni Mama?” nakapameywang na tanong ni ate Leign.

“Hay nako! Hayaan mo na yan Leign. At least wala nang isip bata rito sa bahay.” Reign

“hm? Ahy oo nga nuh? Sige, lumayas ka na. Layas!” pananaboy naman saakin ni Ate Leign kaya napatungo ako. Huhuhu grabe ang sungit talaga nila saakin. Hindi ba nila ako mami-miss?

“B-babye po ate Reign, ate Leign.”

“Mm. Bahala ka na sa buhay mo. Wala naman kaming pakealam sayo. Tss. Sige na!” nakatungo naman akong naglakad na palabas.

Habang naglalakad papuntang pintuan palabas ay narinig ko pa silang nag uusap na dalawa.“Tss. Grabe, ngayon ko lang nalaman na malandi rin pala yan.”

“Sinabi mo pa. Kita mo naman diba? Ang yaman pa. Tss. Pero Reign, nakuha mo ba number ni mr. Pogi kanina?”

“Oo yieeee! Na save ko sa contacts ko.”

--

“Hoy, bess. Pwedeng sumama? Bibisita lang.” sabi ni Akari na naka angkla sa braso ko.

“Sakin ka nalang sumama miss.*wink* si Hunter na kinindatan pa si Akari. Tsk. Tsk.

“Ah! Hehehe debale nalang pala. Sige Sue, ingat ka ha. Uy, mr. Von—”

“Its Vaughn not Von.”

“Ganon ba? Okay, mr. Vaughn ikaw na bahala sa bespren ko ha. Alagaan mo yan, wag mo paiyakin. Tsaka mahalin mo.”

“Mm.”

“We gotta go. Nice to meet you miss.” sabi naman ni Clinton na pumasok na sa kotse at pumwesto sa driver seat.

Pero inismiran lang siya ni bess. “Tss.” Hihihi ang cute nila, omo.

Pinagbuksan naman ako ni Von ng pinto ng kotse, senyas na aalis na kami. “Sige bess ha. Aalis na kami. Hihihi. Debale magkikita pa naman tayo.” sabi ko na kumakaway pa sa kaniya habang papasok ako ng kotse.

“Sige, ingat kayo sa byahe. Babye.” kumaway din siya.

Huhuhu mamimiss ko siya. Pero magkikita pa naman kami. Hihihi.

Habang nasa byahe ay nag aasaran kami ni Hunter.

“Hahaha”

“Nga pala. Uy kuya Clinton,”

“Hm?”

“Alam mo, sa tingin ko crush ka ni Akari.” sabi ko. Nilingon naman niya ako saglit tapos ibinalik din agad sa daan yung atensyon.

“Talaga miss Sue? Yieeee! Si Clinton luma-lovelife.” pang aasar naman sa kaniya ni Hunter. Natawa naman ako dahil nakakaasar talaga yung itsura ni Hunter kahit gwapo.

“Paano mo naman nasabi?” tanong ni Clinton.

“Oo nga ma'am Sue. Eh, kanina nga ang sungit sungit sakaniya nung bespren niyo. Tapos sakin ang bait, baka naman kasi ako yung gusto ng kaibigan niyo ma'am Sue.” nakangisi namang sabi ni Hunter na nang aasar na naman.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon